Chapter 40

341 14 7
                                    


Nasa chapter forty na tayo pero wala pa ring label ang story. Hindi ko na tuloy alam  hanggang saang chapters ito hihinto. Hindi ko masabi kung saan ang exciting parts. Are you really enjoying the story? Worth telling ba? Anyway, salamat dear sa pagbabasa. Matiyaga ka, eh. Magulo ang story kaya thank you at pinapakisamahan mo.

——————

THE FIRST THING that crossed my mind the moment he ended the call is to run. Run away from him, his mother, Nicolo, my friends and from everything that keeps me uneasy right now. I wanted to go back where my father is at isisi sa kanya lahat kaya ako nagkakaganito. Siya lang naman kasi ang puno't dulo bakit nangyayari sa akin ang lahat ng kapalarang ito, eh.

Saan na kaya siya? Masarap sana ulam niya kasi iniwanan niya ako ng sakit sa ulo. Pabaon kumbaga. Hindi naman masakit 'tay parang kagat lang ng dinosaur.

Truth be told, I wanted to escape this. Iniiisip ko pa lang na naghihintay sa akin si Rook sa taas at nag-aalburuto sa inis ay parang gusto ko nang tumakbo palayo at hindi na bumalik.

But who am I kidding right? Kapag tumakas ba ako dito hindi na niya ako mahahanap? Kahit siguro magtago pa ako mahahanap niya ako. Maliit lang kaya ang mundo. Pinagtagpo nga ang kaldero namin at ang isda kami pa kaya ni Rook? Hindi nga lang para sa isa't isa. Mapanakit rin.

Bumuntong hininga ako at sa pang-apat na beses ay hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko kahit na halos ilabas ko ang hanging meron ako ay hindi pa rin mawala ang takot ko sa maaring mangyari sa akin sa taas. Iniisip ko na agad na bubugahan ako agad ni Rook ng apoy parang ang sarap na tuloy maging yelo. Baka naman salubungin ako ng flower vase pasok ko pa lang o 'di kaya ay sipain ako palabas ng building? Overthink malala pero ang mas malala doon ay kailangan ko ng sumakay sa lift bago pa magkatotoo ang mga naiisip.

Pagkapasok ko sa lift ay pinikit ko agad ang mga mata. Mahirap na baka bigla na lang lumitaw si Rook mahimatay pa ako dito sa loob. Gusto kong imulat ang mata nang bumukas ang lift at mukhang mga babae ang pumasok dahil sa takong nila.

"It's okay, gurl, basta sa susunod huwag mo na siyang tulugan." Sabi ng babae na ikinataas ng kilay ko kahit nakapikit.

Tulugan? Ano ba pinag-uusapan nila?

Bahagya kong minulat ang mata at nakita ko ang dalawang babae sa loob, ang isa ay medyo mataba habang inaalo ang isang petite na babae. Mukhang stress ito dahil tindig pa lang halata ng down.

Tsismosa rin ang peg ko.

"Promise bes hindi ko iyon sinadya. Pagod ako kaya ako nakatulog. Hindi ko naman sinasadyang bitinin siya." Halos maiyak na sabi ng babae.

"Gaya nga ng sabi mo pagod ka."

Pagod? Nakatulog? Kahit ayaw kong makinig ay wala naman akong choice dahil hindi naman ako pwedeng lumabas dahil sa pinakataas pa ako. Hindi ko rin alam kung napapansin ba nila ako sa likod nila o wala lang talaga silang pake na may marites sa likod.

"Galit pa rin siya sa akin. Hindi ko kaya iyon." Hikbi na ng babae.

"Kahit naman sino gurl. Intidihin mo na lang nabitin siya. Isipin mo ha, nasa kalagitnaan na kayo ng kapusukan at arouse na arouse na siya tapos nuong may mangyayari na bigla kang nakatulog. Kaya kahit naman sino magagalit kapag nabitin lalo na sa mga lalaki. Kaya ang gagawin mo ngayon ay suyuin mo siya. Akitin mo siya para mawala na ang init ng ulo niya. Halayin mo kinulang iyon sa sex kaya hiwag na mag overthink." Sabi ng matabang babae. Inaalalo pa niya ito, well nakasilip na kaya ako.

Nang bahagyang lilingunin ako ng matabang babae ay agad akong nagpatay malisya at pinikit ng mariin ang mata.

Diyos ko gusto kong mag react pero hindi pwede. Ganon ba iyon?

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon