Chapter 17

2K 54 0
                                    

"You disobey me again Mrs. Mariano. How dare you trick me?" he said in a plain tone, pero ramdam ko ang pagpipigil dito na sigawan ako.

"I'm really sorry about that. Hindi naman kasi pwede na magkasama tayong mag grocery."

"Kinakahiya mo ba ako?"

"No."

"Okay." iniwan na ako ng asawa ko. 'Yon lang wala man lang sigaw at chuba ek-ek?

Galit nanaman ba siya?

Sa hindi naman talaga. Ako nga dapat ang mahiya sa lagay na ito pero kakaiba siyang mag-isip. Alam ba niya ang sinasabi niya? Siya ikakahiya ko eh ang sarap nga niyang ipagmalaki.

Inayos ko ang mga pinamili sa may cabinet at pinasok sa ref and dapat doon ilagay.

Umakyat na ako sa taas the moment na matapos ako. Humiga ako saka nag-isip.

Magkaibigan pala talaga sila Papa Nicolo at Rook. Paano ba 'yan, malalalandi ko pa ba si Papa Nicolo sa lagay na ito. Hindi kaya awkward ngayong alam ko kahit wala naman siyang ka-alam alam? 

Para namang tinuhog ko ang magkaibigan nito kapag pinagpatuloy ko pa ang paglalandi kay Papa Nicolo. Pero naman eh. Paano na si Nico? Lintik na Rook at tinali pa ako sakanya.

Ipinilig ko ang mata sa mga naiisip. Ang feeling ko haha *evil laugh*.

Ilang oras na akong nag-iisip at wala paring kwenta ang mga naiisip ko. Lahat imposible.

Hours passed.

Gusto kong mapabangon nang may binato sa mukha ko. Hindi naman masakit pero nagising parin ako.

Dumilat ako, natatakpan pala ang mukha ko dahil sa binatong towel.

"Wear this." tinapon sa akin ni Rook ang paper bag habang nakahiga ako. Wala talaga itong modo kahit kailan. Kitang natutulog ang tao. Naku lang ha, huwag niyang hintayin na bumaliktad ang mundo namin dahil lintik lang na walang ganti.

"Absent ka nanaman siguro. Wala ka taagang manners. Binato mo pa talaga sa akin habang tulog."

"Speaking of yourself? Sino sa atin ang walang galang at basta nalang iwan ang asawa habang nagpapalit?"

"At may lakas loob ka pang maningil."
bulong ko. "Kumatok ka man lang sana.."

"This is my house. So, my rules." Nak-cross arm niyang sabi. Naku kung hindi ka lang gwapo binato ko na 'yang mukha mo ng durian at ng matauhan.

"Oo na. Dami pang sinasabi. Ngayon na ba?"

"Yes. Prepare. 6:30. Huwag mo akong ipapahiya ulit." he answered before he left my room.

"Okay! 'Yon--- Huwatt?"

"Prepare, huwag mo akong ipapahiya ulit."

Sabi mo eh.

Hindi ko alam na bagay pala sa akin ang kulay dilaw. See? Gabing gabi nakadilaw ang peg ko. Anyways kinakabahan talaga ako. Kung sana ay sinabihan ako ng maaga ide sana kahit konting preperasyon man lang ang nagawa ko. Especially sa mga ichichika ko doon. Hays. Wala talaga akong aasahan sa lalaking 'yon. Akalain mo, isusuplong ako sa isang gyerang hindi ko napaghandaan. Grabe! Biglain ba naman akong isama sa family dinner kasama family niya. My God! Kung hindi ba naman siya siraulo, e.

"Kailangan bang biglain mo ako ng ganito?"

"Nothings to be prepare, just follow the rules and you'll be fine. The plan will be fine." he said without glancing.

Gusto kong magpapadyak. Wala talagang matino sa lalaking nag-ngangalan ng Farook Mariano. Letse.

"Tss. Nothings to be prepared daw. Makita mo mamaya magkamali mali pa ako doon." bulong bulong ko pero mukhang narinig niya dahil napalingon siya sa akin.

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon