KINABUKASAN, at dahil sabado ay nag linis ako ng buong bahay. General cleaning kumbaga. Sa paglilibot ko sa taas ng bahay ay may nadiskubri ako.May apat na kuwarto sa isang master bedroom at dalawang guest room. Ang master bedroom ay 'yong kwarto ng hilaw kong asawa. Ang isang guestroom ay 'yong kwarto ko at opisina naman ni Rook ang isa.
May veranda rin pala dito sa likod. May dalawang pang isahang sofa at coffe table. Ang galing naman. Bakit ngayon ko lang 'to nakita?
Habang hawak ang walis tambo ay umupo upo ako sa couch habang nangingiti. Hindi na ako magmama mop dahil halos wala na itong dumi. At dahil nga kahit tingin mo ay sobrang kintab, may tinatago parin 'yang dumi kaya mag wawalis ako.
Tumayo ako at tinanaw ang nasa baba at mas lumapad pa ang ngiti ko sa nakita. Para akong kinilig na teenager na nakakita ng bagong crush.
Mula sa taas ay kitamg kita ko ang landscape na likod bakuran. May mga bulaklak pero puro green lang. Hindi namumulaklak. Hayaan mo't tataniman ko 'yan.
May isang katamtamang laki na hugis kidney'ng swimming pool sa gitna. May dalawang upuan and a coffee table too sa may ilalim ng puno. Tapos mataas na pader.
Napangiti ako. Green is life talaga sa pamamahay na 'to. Very homely. Pakiramdam ko nga safe na safe to sa air pullution.
Dahil feeling ko wala namang dumi sa bawat sulok iniwan ko ito hindi na kailangan ang mag trapo. Nag walis nalang ako.
Pagkatapos ko sa loob ng bahay ay bumaba naman ako at pinagmasdan ang paligid.
"Hindi ba uso sa mga halaman dito ang malantaan ng dahon? Walang nahulog na mga tuyong dahon eh." bulong ko sa hangin habang nakatanaw sa asul na swimming pool.
Bakit ang linis dito? Never pa naman ako nakapaglinis sa buong paligid ah?
Ipinilig ko nalang ang ulo sa naisip. Mas mabuti pa nga ito, e. Wala akong trabaho. Yes naman!
Wait,
"Maliligo nalang ako!!" napalundag ako sa naisip.
Tama! Lalangoy muna ako bago ako mamalengke. Pero sandali,--- gising na kaya ang hilaw na 'yon? Baka naman pagalitan pa ako? Hindi naman ata. Maliligo lang naman, hindi iinumin ang tubig kaya okay lang siguro.
Nakahanda rin naman ang almusal niya kaya okay'ng okay lang!
Patakbo akong pumasok sa kabahayan at sa kusina dumaan para magpalit ng pweding suotin sa pagligo.
Nagpalit ako ng isang sports bra at shorts short sa ibaba. Okay na ito. Hindi naman ako pweding magsuot ng panty at bra dahil baka may makakita sa akin tapos kakahiya.
"You and me got a whole lot of history. We could be the greatest the team... "
Pakanta kanta akong naglalakad pababa habang nilalaro ang pantali ng robang suot ko.
Hayyy... Ang tagal ng panahon ng huli akong lumangoy. Nakalimot kaya ako? Hehehe hindi naman ata.
Pagdating ko sa gilid ng swimming pool ay hinubad ko kaagad ang roba at inilagay 'yon sa isa sa mga upuan doon.
"Hahahaha!" para akong baliw na kinikilig nang ilubog ang mga paa sa tubig. Maaga pa kaya malamang malamig ang tubig.
Umupo ako sa may gilid saka nilaro ang tubig gamit ang mga paa at nang magsawa ako ay lumusong na ako.
God! Nakakamis rin pala ang lumangoy.
I swim back and forth while enjoying myself alone. I felt I'm at retreat, I mean treat yourself.