ISANG KWARTO. Iisang kama. Kaming dalawa ni Rook. Napalunok ako. Diyos ko, I am not going to sleep in a four corner room with him alone.
There is no way!
God! No!
Dinagsa ako ng pagsisisi habang nakatingin sa kama. Oo malaki ang kama pero para sa aming dalawa ni Rook, masyado itong masikip. Pakiramdam ko nga kahit buong mundo masyadong masikip para sa amin, ito pa kaya. Dumagdag pa itong lagasgas ng tubig mula sa cr na mukhang naliligo ang asawa dahil ilang minuto na ito doon at hindi pa lumalabas.
Paglabas niya panigurado nakatapis lang ito. Diyos ko makakakita yata ako mamaya ng abs.
Panigurado matutulog na ito. Anong gagawin ko?Baka ipatapon ako non sa sofa tapos siya sa kama. Kinukulang pa naman sa GMRC ang asawa kaya hindi malabong mangyari.
Hindi!
Kailangan ko siyang maunahan. Kailangan kong makatulog agad para sa sofa na ito matulog. Tama! Mauuna akong matulog.
Pabagsak akong tumalon sa kama at nagkumot. Mahigpit kong sinara ang mata para makatulog agad pero sumasakit lang ito. Kailangan kong makatulog agad. Ora mismo!
Mas pinikit ko pa ang mga mata nang mawala ang ingay sa cr. Nagtalukbong ako nang bumukas ang pinto ng cr at nagkunwaring nakatulog na.
"Wife!" Tawag ni Rook. Hindi ako nagpatinag. "Reez, I know you're awake. Get up!"
No way skyway!
Nagkunwari pa akong tulog na tulog, sinali ko na ang pekeng hilik.
"Stop being stupid wife. Stop pretending, there's no camera."
"Tulog ako."
Natutop ko ang bibig nang kusa itong lumabas doon. Natawa tuloy ang asawa ko sa katangahan.
"Ahhh... So you slept talk? Hmmm... Get up! Maglinis ka muna ng katawan."
Hindi na kailangan nakaligo naman na ako kaninang umaga.
"Wife. Come on, freshen up!"
Freshen up, freshen up! If I know that's his way of sending me in the couch. Kapag pumasok ako ng banyo siya papalit sa pwesto ko dahil alam niyang hindi ako tatabi sa kanya.
"Bukas na lang, tulog na ako." Kunwari ay tulog na tulog ang boses ko. Again natawa lang ang asawa. Hindi ba pasado acting ko?
"Sige na misis ko hindi ko aagawin sa'yo ang pwesto mo. Maglinis ka na ng katawan." Aniya.
Napakapit ako ng husto sa kumot nang maramdaman kung umupo siya sa kama. This is not happening people. Nangyari lang iyong kagabi dahil nakainom ako. Ngayong buhay na buhay ang diwa ko ikamamatay ko kapag nagtabi kami sa iisang kama. Ang mahawakan pa kaya niya. Baka himatayin ako sa sobrang kaba.
"Ayoko nga. Antok na antok na ako bukas na lang. Hindi rin naman tayo magyayakapan kaya okay lang." Sagot ko. Hindi ba ito makaintindi?
"At least brush your teeth." He said, defeated. Doon naman ako natauhan. Okay lang sa akin na matulog ng hindi naghihilamos pero ang hindi makapagsipilyo ay isang malaking hindi pwede.
Putangina naman oh. May choice ba ako?
Pupungas pungas akong umupo sa kama kaya napalabi ako nang bigla na lang tumawa si Rook. Napalabi ko itong nilingon na nagpapitlag sa akin.
Bakit ang lapit niya?
Lumunok ako. My heart skipped a bit. Pinipigilan ko lang ang sarili na mapatingin sa baba
Bakit siya nakangiti sa akin?
"Anong tinitingin tingin mo—awww! Namimitik!" Iyak ko. Pitikin ba naman ang noo ko.