SUMASAKIT ANG buong katawan ko ng magising ako kinabukasan. Pinikit ko ng mariin ang mata at inalala ang nangyari kagabi. Napasapo ako sa noo ng bumalik sa akin ang lahat.Sa ikalawang pagkakataon, sumuko ang bataan sa tinalupan. Marupok nga siguro ako tuwing nakapajama dahil nangyayari ang kababalaghan kapag nakasuot ako nito. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari ngayon.
Mariin kong hinawakan ang kumot na nakapulupot sa katawan ko. Pagtingin ko sa katawan ko, may damit na pala ako. Hindi na iyong pajama na suot ko kagabi. Buti naman dahil nagiging marupok ako kapag nakasuot ako ng ganon.
Hindi ko inabutan ang asawa sa bahay dahil nakaalis na daw ito sabi niya sa note na iniwan niya.
Take rest, my love.
Umikot ang mata ko pagkabasa sa huling linya ng note niya. Kita mo iyong dakilang Marianong iyon, tumatamis ang dila tuwing nakakalusot sa pajama ko. May pa bulaklak pa siya, eh, ehem, akala naman niya hindi ko alam ang mga modus niya. Masaya akong nababasa iyon pero ano ba! Feeling ko talaga labas iyon sa ilong kaya kahit na abot hanggang neptune ang kilig ko, pinapangaralan ko naman hanggang 360 degrees ang isip ko. Masakit kasi masapol ng tubo sa mukha.
At dahil, dakilang paasa ang dakilang Mariano at aasa asa gurl naman ako, baka naman 'diba? Baka naman totoong mahal na mahal ako nun. My love daw mga mare my love. Ang tamis naman. Ngiti ko sa kawalan.
Masaya kong binaba ang card at kinuha ang bulaklak sa tabi ng hinanda niyang almusal. Ano ba bakit ang tamis at may pa breakfast in bed pa? Sige na ako na kinikilig, Diyos ko, ang rupok ko na!
Sinumulan ko iyon lantakan nang may maalala. Napatampal ako sa noo dahil sa nakalimutan ko ang ibang pamilya ni Rook na naiwan pa sa bahay. Diyos ko, hindi ko alam kung kumain na ba ang mga iyon.
Bumaba ako sa sala at saktong dumaan si Manang mula sa likod ng bahay kaya tinawag ko iyon.
"Nay, iyong nanay ho ng asawa ko nakapag-almusal na?" Magalang kong sabi sa matanda.
Ang alam ko tuwing wednesday lang sila active sa bahay pero bakit nandito siya?
"Ah umuwi na po sila ma'am. May klase pa kasi iyong bunso tapos may importanteng lakad iyong dalawa." Sabi ni nanay.
"Ah ganon po ba." Sagot ko. So, mag-isa na lang pala ako ngayon dahil pagkatapos rin nila nanay sa paglilinis ay aalis rin sila ni tatay Paco.
"Oo hija, pinapasabi rin pala ng asawa mo, maaga daw siyang uuwi mamaya."
Nabuhayan ako sa sinabi ni nanay. Maaga daw uuwi ang asawa ko kaya ibig sabihin na un hindi ako masyadong mababagot. Kasi naman itong sunburn ko hindi pa rin nawawala. Nakakahiya kasi kung magpapakita ako sa opisana na sunog ang mukha. Pagtawanan pa ako ng mga bruhang iyon.
Dahil wala akong magawa sa bahay ay nag bake na lang ako ng pancake. Talagang mahilig si Rook sa matamis kaya bakit hindi sulitin 'diba malay niyo tumuloy tuloy na at mapasagot ko na ng tuluyan iyong forever no erase.
Pagkatapos kong magluto ng cupcake ay nilagay ko iyon sa ref. Kumuha lang ako ng kinain ko habang nanonood ng palabas sa TV. Kung anu-ano lang ang pinanood ko hanggang sa makatulog ako.
Alas tres ng magising ako. Umupo ako sa kama at tiningnan ang cellphone. Agad akong napangiti ng may missed calls at text akong natanggap at puro iyon galing sa mga kaibigan ko. Talagang namiss nila ako.
Mika
Gurl, absent ang ganda mo?
Dina
Hoy gurl, blooming ang papa mo. In love ba iyon?
Jessang
Kumusta ang Cebu? Pagod na pagod? Nga pala, good mood ang bossing. Bakit wala ka sa office?