Chapter 31

243 7 0
                                    


NAKARAMDAM ako ng panliliit sa sarili. Ang kapal pala talaga ng mukha para itanong kay Rook kung bakit hindi niya ako gusto. Tangina nakakahiya ka Reez.

Parang gusto kong magtago sa ilalim ng mesa at huwag ng magpakita pa sa asawa. Nakakahiyang malaman na walang wala ako sa girlfriend niya. Kaya naman pala ganon na lang niya e-guard ang sarili niya dahil kumpara sa kanya ay walang wala ako.

Walang wala ako sa kalingkingan niya. Nakakainggit naman siya. Nasa kanya na nga ang lahat mahal pa siya ng mahal niya. Sana all talaga.

Wala na talaga akong pag-asa. I really need to stop this illusion dahil ako lang ang aasa at masasaktan.

"Mahirap ba naman tibagin ang siyam na taon gurl." Din.

"Tsaka gurl feeling ko this year mag po-propose na si bossing. Ang tatag ba naman ng halos sampong taon."

"Oo nga. Nakatiis talaga si Sir?" Hagikhikan silang tatlo.

"Feeling ko nga. Deretso kasalana na iyan eh. Sana all talaga nagtatagal."

Mas nanliliit ako sa sarili dahil sa pinag-uusapan nila. Bakit ba ang tanga ko pa para masaktan. Nine years and this month ay ten years na? Wow! Asan naman ang aking months pa lang? May pinanghahawakan nga ako bilang asawa pero pinangbayad naman. Girlfriend nga siya, siya naman mahal mas matimbang pa rin iyon kaysa sa akin na papel lang ang pinaglalaban hindi pa kinikilala. Napapabuntong hininga na lang ako sa mga kwento nila. Sila ba writer ng kwento ng dalawa? Lahat alam nila eh. Ipasa kaya nila sa Kwentong Jolibee baka sakaling matuwa pa ako't kiligin.

Hanggang sa pauwi na kami ng hapon ay hindi pa rin iyon mawala sa isip ko. Tumatawa at nakikisabay ako sa pinag-uusapan nila pero sa loob loob ko alam kong lutang ako.

Mabilis kong inalis ang mga kamay nila sa braso ko dahil sa sinabi ng tatlo. Oh my god! Ayoko nga.

"Hindi pwede!" pagpapanic ko. Bigla akong nagising sa sinabi nila. "Overnight ano kayo highshool kid?"

"Anong hindi pwede 'sang? Lumipat ka na pala ng tirahan?" Jess.

"Oo nga naman girl. Parang overnight lang. Ang damot!" Din pouted. Isa ka pa babae. Ang sarap mong sakalin sa dami mong alam.

"Kita mong winasak tirahan ko babalik pa ako don?"

"Ay! Then doon na lang tayo. Para makwento pa namin sa'yo ang untold stories nila." Lalo na 'tong babaeng 'to ang sarap kalmutin ang fes. Ang sakit niya sa bangs maka-ano sa akin.

"Mga marites kayo magsilayo kayo sa akin." Taboy ko sa mga kamay nila. Pati ba naman sa pagtulog ko ipaparinig sa akin? No way.

"Parang araw araw nag-oover night." Mica
Mga bruha kayo. Ipapalapa niyo pa ako sa hilaw na iyon.

"Basta hindi pwede. Masungit ang may-ari ng bahay."

"Bakit apartment naman iyon ah?" Din.

"Eh masungit ang may-ari pag pinalayas ako ampunin niyo ako?"

"Grabe damot!" bitaw ni Mica sa braso ko. "Sige na nga next time."

"Mabuti pa nga next time."

"Sige bye uwi na ako." sabay para sa sasakyan at mabilis na sumakay doon nang tumigil sa harapan namin.

"Reez! Huwag!" sigaw ng mga kasama ko pero sinara ko lang ang pinto ng sasakyan.

"Anong huwag! Mga bruha kayo may plano pa kayong ipalapa ako sa halimaw." bulong ko sa loob ng sasakyan habang kinakalikot ang bag. Hinahanap ko ang cellphone baka nagtext ang asawa.

"Sinong halimaw?"

Napatigil ako sa ginagawa. Unti unti kong nilingon ang nasa unahan only to find out... shit na malagkit!

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon