Chapter 25

1.9K 52 2
                                    

HABANG lulan ng elevator, paulit ulit kong sinasanay ang mukha kung paano ngumiti ng matamis. Plano ko kasing dalhan ng snack ang asawa dahil nagalit ito sa akin noong malaman niyang hindi pala lugar ang Sandara kun'di tao.

He was very mad and I kept quiet the whole sermon. Kasalanan ko pa ba na mukha siyang tanga? Simpleng impormasyon hindi niya alam. Pero 'yon nga nagalit siya sa akin. Kaya heto ako susuyuin siya. Nag super Dora moves talaga ako huwag lang makatyempuhan ng mga kasamahan kong paparangalan ng latin honor sa pagiging tsismosa.

"Lars, nandiyan ba si Boss sa loob?" tanong ko agad sa sekretarya niya na mukhang nagulat sa pagsulpot ko. "May lahi talaga akong kabuti kaya sensya na at nagulat kita hihi." I peace sign.

"Okay lang po Madam." she smile. "Yes po. Nasa loob po asawa—"

"Shhhhh..." agap ko bago nagpalinga linga. "Lars naman. Malilintikan ako neto eh."

Natawa naman ang kaharap sa inasta ko. "Sorry po Mrs. Mariano—"

"Hay ewan. Sige na bye." ngiwi ko. Hindi rin naman magpapaawat si Lars kapag alam niyang kami lang dalawa. "Pasok muna ako sa dragon." turo ko sa pinto ng boss na tinawanan naming dalawa.

"Nag-away ba kayo? Mukhang galit po si boss eh." bulong ni Lars.

"Haynako, nagtatampo lang ang bebe ko!" sabi ko nang nakanguso bago napabuntong hininga. "Heto nga at susuyuin ko." pakita ko sa kanya ang bag na ikinangiti ni Lara ng sobrang lapad.

"Ang sweet niyo naman po!" komento niya.

Tiningnan ko ang reaskyon sa mukha ni Lara, sa lahat ng tao sa kompanyang ito, liban sa aming dalawa ni Rook, siya lang ang nakakaalam ng relasyon namin. Kapag nagkataon na nagkahiwalay kami, siya lang din siguro ang makikitaan ko ng lungkot kung sakali. Siya lang din ang makikitaan ko ng awa at kapag dumating iyon, hindi ko iyon hahayaan mangyari. Her smiling eyes are enough.

Lumapit ako sa kanya at bumulong. "May kasalanan lang." tawa ko.

"Ay! Mapapatawad rin kayo ni Sir. Si Sir pa, eh marupok iyon pagdating sa'yo." tawa ni Lars.

"Huwag mo nga akong iniechos, marupok talaga, masungit kamo." kontra ko sa sinabi niya. As if naman no!

"Sus!" sundot niya sa braso ko. "Si ma'am parang hindi kinikilig kay Sir." tudyo niya na ikinainit ng mukha ko. Shit! Biglang parang may sumundot sa kabuti  sa loob tiyan ko. Biglang sumakit, eh.

"Sige na nga pasok na ako sa dragon at pinapalaki mo pa ang atay ko."

"Totoo naman. Sige na pasok ka na nang mawala ang galit niya at makahinga na rin ako dito ng mabuti. Good luck!" aniya na nag thumbs up pa.

"Thanks! Aja!" pampalakas loob ko.

Sana nga hindi nanaman ako bugahan ng apoy non.

Napangiti ako ng palihim sa sinabi niya pagtalikod ko.

Si Rook marupok pagdating sa akin? Sino may sabi? Ako kamo dahil hindi maalis ang ngiti sa mukha ko.

Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pintuan at nabungaran ang asawa na subsob sa pagbabasa. Pinaseryoso ko ng mukha para ma-feel niyang totoong nagsosorry ako.

"I am busy—"

"Lagi ka namang busy, bing." napaangat ito ng tingin at agad na nawalan ng gana ang mukha niya. "Hi bing!" bati ko at alanganing kumaway. Okay. Hindi niya ikinatawa na makita ako.

"We're at work Ms. Mendez, so call me Sir at least. Pay respect!" malamig niyang turan bago binalik ang mata sa ginagawa. "Hindi ko natatandaang pinatawag kita or may ipapapasa so, you can leave now."

Mrs. Mariano Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon