"PANGMATA NA MO!! MURA MOG MGA ANAK UG DATU. TAN-AWA NING BILLS OH DAKO KAAYO AMBUT UNSAON KO NI PAGBAYAD!!" (Magsi-gising na kayo!! Para kayong mga anak mayaman. Tingnan niyo 'tong bills ang laki ewan ko paano ko 'to mababayaran!!")
Ayan na naman ang alarm clock namin every morning. Actually, kanina pa 'ko gising, or should I say, kagabi pa? Ah basta wala akong tulog. Hindi kasi ako makatulog kakaisip kung anong mali sa 'kin. Like, pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Char. Pero oo, nag-ooverthink ako buong magdamag tapos ito pa maririnig ko ngayon, sermon. Ang sakit sa tenga at ang sakit sa ulo. Bumangon na ako at humarap muna sa salamin, gosh mukha akong zombie. Lumabas na ako ng kwarto at boom! Umiiyak na naman si mama habang nakatingin sa bill sa tubig at kuryente.
Gusto kong makatulong dahil ang hirap talaga ng buhay. Kaka-graduate ko lang at wala naman masyadong opportunities dito sa lugar namin kaya naguguluhan ako kung paano ako makakatulong kahit sa mga gastusin man lang dito sa bahay. Hindi pa ako masyadong makapag-isip dahil lagi nalang akong kulang sa tulog, lagi akong lutang at dagdag pa 'tong iniinda kong sakit sa damdamin. Hindi ko pa kasi makalimutan ang ex ko. Bwesit na 'yan!
At dahil wala pa akong magawa para makatulong sa gastusin, gawaing bahay nalang ang inatupag ko para naman hindi na dagdag sa sakit ng ulo ni mama na nag-iisip pa ng paraan para sa mga problema pinansyal. Nilinis ko ang buong bahay dahil kapag malinis ang bahay, may peace of mind. Para makapag-isip naman kami ng maayos kung ano ang pwedeng gawin para makaahon sa kahirapan. Naghihirap kami ngayon dahil kaka-graduate ko lang ng college, ang ate ko naman nasa second year college pa at ang bunso namin naman ay nasa high school. Ang mahal ng tuition nila kaya hirap talaga kami financially.
"Ayoo.." (tao po.)
Lumabas ako para tingnan kung sino, "Oh Selena, unsa may tuyo nimo?" (Oh Selena, ano sadya mo?)
"Laag lang ko. Laay kaayo sa balay oy. Lisod na kaayo ang life ay. Adto kaha tag Manila basin swertion ta didto. What do you think?" (Pasyal lang ako. Boring sa bahay eh. Ang hirap na ng buhay. Punta kaya tayo sa Manila baka papalarin tayo do'n, what do you think?) parang nabuhayan naman ako sa suggestion niya. Pwede! "Para pud maka move-on na ka ni Jon oy." (Para maka move-on ka na rin ni Jon.) sabi niya sa mahinang boses at siniko pa ako ng mahina.
Dahil sa suhestyon na 'yon ni Selena parang nabuhayan ako ng loob. Baka nga tama siya. Baka nasa Manila talaga ang swerte namin. Baka lang naman.
Hindi na kami nag-aksaya ng panahon, agad namin inasikaso ang mga papeles namin para makalipad na patungong Manila sa lalo't madaling panahon. Habang nagpapa photocopy kami sa ibang papeles namin ay narinig naming nag-uusap ang mga trabahante sa shop.
"Daghan ug trabaho karon nga available kay si Marcos na ang nilingkod pagka presidente." (Dami ng trabaho na available ngayon dahil si Marcos na ang umupo bilang Presidente.)
"Aw oh daghan bitaw tuod kog nadunggan balita bahin ana. Sa panahon karon kung kugihan ka mangitag trabaho aw maka kwarta jud ka kay daghan na kaayog opportunities." (Oo, dami ko ngang narinig na balita tungkol dyan. Sa panahon ngayon kapag masipag ka lang maghanap ng trabaho magkakapera ka talaga dahil andami nang opportunities.)
Mas ginanahan kami ng mga kaibigan kong si Selena at Ariana dahil sa narinig namin. Sana nga, Lord. Sana sasang-ayon sa amin ang panahon.
---------------------------------------------------
"Mag-asawa nalang kaya tayo ng mayaman." biglang sambit ni Ariana habang nilamutak ang paborito niyang cookies and cream na ice cream.
"Never! Bahala na magkanda-kuba ako sa pagtatrabaho basta never akong mag-aasawa. Sakit sa ulo ang mga lalaki. Mga walang hiya sila ang kakapal ng mukha!" asik ko. Bitter na kung bitter pero wala na talaga sa plano ko ang mag-aasawa.
"Ang pait! Grabe! Tatandaan namin 'yang sinabi mo ha. Kapag ikaw makapag-asawa bigyan ko kami ng tig one million ni Ariana ha, game?" hirit naman ni Selena.
"Kahit ilang milyon pa. Game ako. Kapag hindi talaga ako makapag-asawa, ako 'yong bibigyan niyo ng one million, game?"
"Game! Alam naman namin marupok ka pagdating sa ex mo. Babalik at babalik ka parin do'n no HAHAHA!!" ang lakas ng tawa niya at napalitan ito ng seryusong mukha nang sikuhin siya ni Selena.
Natahimik kami. Napaisip naman ako, makakapag-asawa kaya ako? May chance pa kayang magmahal ang puso ko? Mangyayari pa kaya na lalambot ito ulit after what happened? Dzuh! Nevermind.. Focus sa goal, MAGPAYAMAN! Actually I am aiming to become a single-rich-hawt-krazy Tita. That's it! Walang makakapagpabago niyan.
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanfictionIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction