We're eating lunch together at masayang nagkukwentuhan. First time ko ma-meet si President ngayon, at gusto pa niya Dad or Paps na itawag ko sa kanya at Mom na rin daw kay Tita, naks! Nakakakilig naman. Kagabi lang pala nila 'to plinano no'ng tulog na ako.
"Lagi niyang sinasabi sa amin dati na hinding-hindi siya mag-aasawa dahil sakit daw sa ulo ang mga lalaki, sabi pa niya mag-ampon nalang siya para may makasama siya sa pagtanda niya, pero tingnan n'yo ngayon.. hmm!" kwento ni Mama sa kanila at inaasar pa ako. Napatungo naman ako sa hiya. Bakit ko nga ba sinabi 'yun?
"Eh kasi naman hindi ko alam na may mga lalaki pa palang kagaya ni Simon." ani ko sabay irap dahil nakokornihan na naman ako, "Yuck ang corny talaga." dagdag ko at nagtawanan naman sila.
"So cringe! You know when I heard or saw a couple being sweet together, I really want to throw them pebbles. Hesh!" parang nandidiri pa na saad ni Vinny kaya tawang-tawa kaming lahat. Kinakandong ni Vinny si Sophie, pamangkin ko. Mahilig din ito sa bata eh.
"Find some love, man." ani Tito Bongbong-- Paps pala at tinapik pa ang balikat ni Vinny, "You will understand, soon."
Bigla ko namang naalala 'yung pustahan namin ng mga kaibigan ko. 'Yung kapag mag-aasawa ako ay bibigyan ko sila ng tig-iisang milyon. Naku naman sana nakalimutan na nila 'yun.
"Are you okay, Iha?" napatingin ako kay Mommy, yieee kinikilig parin talaga ako kapag naaalala kong mommy at daddy na ang ipapatawag nila.
"Ahh.. opo okay lang po ako, Mom--my? Hehe." tinutukso na naman nila ako, "Enebe! HAHAHA. Nababahala lang ako."
"Nababahala saan?" tanong ni Mama.
"Naalala ko kasi dati, may pustahan kami ng mga kaibigan ko. Kung mag-aasawa daw ako bibigyan ko sila ng one million at kapag hindi naman ako 'yung bibigyan nila." nakatungo kong saad at lahat na sila nagtawanan. Nakakatawa pala 'yun? Hmp!
"Magdasal ka nalang na nakalimutan na nila 'yun." tumatawang sambit ng ate ko. Sana talaga.
"See, son? She promised herself to be single forever to the point na pumusta siya ng one million cash 'cause she really thought na hindi na siya mag-aasawa but look at now, she broke her own promise because of you, she wanted to be with you so don't you ever break her heart." malumanay na tugon ni Paps habang tinatap ang balikat ni Simon.
"Or else I will break your whole skeletal system." may halong pambabanta ni Congressman Sandro. Ang sweet naman ng pamilyang 'to.
__________________________________
Pagkatapos ng masayang salo-salo kanina ay umuwi na kaagad ang pamilya ko dahil hindi pwedeng walang maiwan sa bahay at isa pa, may bata silang dala. Sasabay na sana ako sa pag-uwi kaso pinigilan ako ni Mommy dahil gusto niya pa raw akong makasama. Naramdaman daw kasi niyang may anak siyang babae dahil sa 'kin.
Night riding na naman kami ngayon dahil gusto ko. Ang ganda ng kalawakan ngayon, andaming nagkukumpulang mga bituin at crescent ang moon. Naglatag kami ng picnic mat sa kalsada at doon kami umupo habang umiinom ng beer at nag-uusap. Puro tawanan lang ang nangyari dahil may goofy side din pala 'tong Simon.
"Oh.. Ahhh.. not so.. not so hard please.."
"Hindi pa ito 'yung hard.."
"Ugh.. wait.."
"Wag kang malikot malapit na 'to.. malapit na."
"Ughh.."
"Ikaw kasi ang pilyo mo natapilok ka tuloy." sermon ko habang minamasahe ang kanyang sprained ankle. Binunotan niya kasi ako ng isang buhok sa kilay eh ang sakit at gusto kong gumanti kaya tumakbo siya, ayan natapilok!
![](https://img.wattpad.com/cover/294705227-288-k272722.jpg)
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanfictionIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction