CHAPTER 8

469 40 5
                                    

Paano nya nalaman buong pangalan ko?

Agad ko syang tinulak nang matauhan ako. "Sir! Di tama to." sabi ko sabay atras.

"I'm sorry.. I'm.. I'm so sorry. I didn't mean it. I mean.. shit!" napamura sya at nasapo nya ang kanyang mukha. Nakakahiya!

Tahimik kami pareho ng mga ilang minuto. Nahihiya akong magsalita dahil nag response din ako sa kiss kanina. Geeez! Nilakasan ko ang loob ko para magpaalam na, "Kailangan ko na umalis, sir. Salamat." tumayo na ako. Para saan ba yung salamat? Hays! Di na talaga ako magpapapigil masyado nang nakakahiya.

"Are you sure okay ka na?" tanong nya nang di tumitingin sakin.

"Oo sir. Okay na. Sige alis na ako."

Binilisan ko ang paglakad at nakahinga lang ako ng maluwag nang makalabas na ako sa condo nya. Bwesit! Nakakahiya. Bakit nya ba kasi ginawa yun? Kasalanan pa ba yun ng alak? Tsk! Diko man lang natanong kung paano nya nalaman buong pangalan ko. May pagka mysterious din tong si sir Simon eh.

Diko mapigilang isipin kung bakit nya ko hinalikan. Lasing pa kaya sya? Ayoko rin naman bigyan ng malisya dahil sigurado akong walang malisya sa kanya yun. At kung wala lang yun sa kanya, edi trip nya lang yun? Pinagti-tripan nya ba ako? Dapat ba akong magalit? Nag-ooverthink na naman ako. Huli kong overthink dahil pa yun sa ex ko -_-

---------------------------------------------------

"At saan ka nang galing?" bungad sakin ni Selena pagkabukas ko ng pinto.

I'm hesitant kung sasabihin ko ba sa kanya yung totoo. Sige na nga sasabihin ko nalang except sa kiss. Eeez! "Upo ka muna. Baka mahimatay ka sa ikukwento ko." saka ako naglakad papunta sa kusina na agad namang sumunod si Selena.

"Oh ano, mag kwento ka na." pagtataray nya.

"Teka saan si Ariana?" tanong ko nang mapansin kong wala si Ariana.

"Tulog pa. Ginabi yan ng uwi kakahintay sa mga Marcos sa coffee shop pero wala syang nakita."

"HAHAHHA lakas ng amats! Paanong may Marcos dun eh si Sandro malamang congressman yun edi busy yun sa Ilocos bumisita lang ata yun dito nong nakaraang araw tas umuwi agad. Si Vinny naman maagang bumyahe kanina pauwing Ilocos, si Simon ayun lasing kagabi." sunod-sunod kong kwento kay Selena.

Diko maintindihan kung bakit biglang nanlaki ang mata nya at diniinan ako ng tingin.

"Paano mo nalaman lahat ng yan?" tanong nya, well expected ko na to kaya hinanda ko na ang mga braso hita at tenga ko para sa mga hampas at sigaw niya.

"Promise me muna na hindi ka mag o-over react." mas mabuti ng may assurance.

"PROMISE!!" sigaw nya. Kita mo -_-

Kinwento ko sa kanya lahat ng nangyari at tama nga ang expectations ko. Napuno ako ng hampas at sabunot. Brutal talaga to!

"So ano yung feeling maging favorite ni Lord?" tanong nya at naka cross arms pa.

"Syempre masaya. Pero walang favoritism si Lord tandaan mo yan. Di rin naman ako masyadong natuwa sa nangyari kasi di ko naman sila type at never akong magkaroon ng type! Never again." ani ko and I rolled my eyes to her.

"Sus! Paano pag ikwento ko yung nangyari dito kagabi? Baka bigla ka nalang bibigay ulit dun sa ex mong hunk na pulis na ngayon?"

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon