CHAPTER 36

371 29 8
                                    

"Nika! Gumising ka, hoy!"

Minulat ko ang aking mata at hindi ko alam kung bakit ako hinihingal at umiiyak.

"Nananaginip ka. Anong napanaginipan mo, bakit ka umiiyak?" tinulongan ako ni Ariana para makabangon.

Nakatulog pala ako sa sofa kanina no'ng tatawagan ko na sana si Vinny. Napatingin ako sa cellphone ko at andaming missed calls and messages from Vinny. Binasa ko ang mga text niya, nagtatanong siya kung bakit daw ako tumatawag tapos walang nagsasalita. Natampal ko nalang ang mukha ko dahil sa ginawa ko. Natawagan ko pala siya bago ako nakatulog.

"Binabangungot ka, Nika. Anong napanaginipan mo?" tanong ulit ni Ariana.

Saka pa nag sink in sa utak ko 'yung napapanaginipan ko. I released a heavy sigh, "Hay salamat! Panaginip lang pala."

"Ano nga 'yung napapanaginipan mo?"

"Nanaginip akong pumunta na daw ako sa bahay nina Simon at sinampal ako ni Tita Liza ng napakalakas dahil daw sa panloloko ko kay Simon." kwento ko habang pinapahid ang mga luha. "Alam mo na ba kung sino ang may pakana ng pagsira sa'min ni Simon?"

"Oo, nagkita kami ni Selena at Karl kanina sa High Street nakwento na nila sa 'kin. Grabe ang sama ni Jon at no'ng Ria. Kawawa naman sila at hindi nagtagumpay ang plano."

Humiga ako ulit dahil ang bigat parin ng nararamdaman ko. Parang totoo kasi 'yung panaginip ko. "Nagpapasalamat talaga ako kay Karl at nalaman ko na ang totoo."

"Nakakagigil 'yang Ria na 'yan ha. Kapag 'yan nakita ko ewan ko lang kung anong magawa ko sa pagmumukha niya." ani Ariana at halatang gigil na gigil.

"Hayaan mo na. Huwag mong saktan pisikal, ako na bahalang sumampal sa mukha nila ni Jon gamit ang ebidensya na nagpapatunay ng walang kahiyaan nila. Excited na akong makita ang kanilang mga reaksyon kapag nalaman na nila na alam ko na. Mga walang hiya sila." gano'n nalang siguro ako kabait dahil sa kabila ng ginawa nila ay hindi ko parin magawang magalit ng sobra. Natural na galit lang pero hindi na ito magdudulot ng higanti o kung ano man. Sapat na sa 'kin 'yung alam ko na ang totoo at ipamukha sa kanila ang kasamaang ginawa nila.

Kinuha ko ang laptop ko at sinaksak ang flashdrive. Gusto ko lang tingnan ulit ang softcopy at screen records ng conversation ni Jon at Ria. Napaka desperado.

"Patingin nga." lumapit naman si Ariana para manood din. "Gano'n ka na ba kaganda para pagplanuhan talagang maigi para lang makuha ulit? Ibang klase din 'yang ex mo lakas ng amats!" komento pa niya.

At dahil sobrang lapit niya sa 'kin, napansin kong parang may kiss mark siya sa bandang leeg niya. Hinampas ko siya sa braso, "Hoy ano 'yang nasa leeg mo?!"

Agad naman niya itong tinakpan gamit ang buhok niya. "Meron ba?"

"Oo meron. Ano yan? Ano yan?" diniinan ko sya ng tingin.

"'Wag ka naman mag-react ng ganyan nakakatakot ka naman eh." nakanguso niyang tugon.

"Fine. Hindi ako galit, ano yan? Ipaliwanag mo sa 'kin?" pinag-krus ko ang aking kamay at tinaas ang isa kong kilay.

"Hindi galit pero ang taray ng aura." nakanguso parin siya at napakamot sa ulo. "Huwag kang magalit.. may sasabihin ako." aniya habang niyayakap ako.

Tinanggal ko ang kamay niya sa 'kin dahil ang korni, "Ang korni ha! Ano ba 'yang sasabihin mo?"

"Hindi na ako ano." nakatungo lang siya.

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon