Na appreciate ko naman yung mga ginagawa ni Simon para sa'kin, sino ba ako para di maka appreciate. Pero sa ngayon di 'ko pa talaga maibabalik yung pagmamahal na binigay nya sa'kin. Though deserve nyang mahalin ng sobra pero ayokong mahalin sya dahil lang mahal nya ako. Gusto ko kung mamahalin ko man sya ay dahil mahal ko sya at dapat galing talaga sa puso ko. Ang arte pakinggan dahil Simon Marcos yan pero inayawan ng puso ko. Wala eh yun talaga.
Nandito kami sa living room nila at tahimik ko lang syang pinagmamasdan habang nag gigitara. Sobrang gwapo nya as in perfect yung mukha nya. Naka lip bite pa sya pero di maniac tingnan dahil nakatago naman ang ngipin nya. Nobody's perfect I know pero para sa'kin perpekto si Simon. Ewan ko ba. Basta!
"I'm melting." Nagulat ako nang biglang magsalita si Simon. Tumigil sya sa pag gitara at tinabi nya ito. "You're so cute when you're blushing." aniya at lumapit sa'kin.
Nahampas ko naman sya ng mahina sa sinabi nya. "Cute ako always."
"So you admit that you're blushing?" pang-aasar nya at nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Ito na naman sya.
"Ewan ko sa'yo, Si! Tabi nga." tinulak ko sya at tumayo na ako. "Anong oras ba tatayo pupunta sa lighthouse?" tanong ko dahil excited na ulit ako gumala.
"Maybe after lunch."
*kriiiiing*
Lumayo muna ako kay Simon para sagutin yung tawag.
"Sino yun?" tanong nya nang makabalik na ako.
"Yung prof namin sa review. Bakit daw absent ako." sagot ko. Di nga pala kami nakapag-paalam. Nawala talaga sa isip ko na nagre-review pala ako masyadong na excite sa gala. "Uuwi na siguro ako bukas, Si."
"What? I mean.. no. Ahh pwede naman i-dropped mo nalang muna yun may ibibigay ako sa'yong trabaho." wow parang ang dali lang para sa kanya ah.
"Sayang naman no. Gusto ko tapusin yun para next year makapag take na ako ng board exam." bigla nawala yung excitement ko sa gala at napalitan ng pag-aalala.
"Don't worry. Related naman sa program na kinuha mo yung ibibigay kong work. It's like you'll just join Sandro kapag pupunta sya sa orphanage. You know he's a congressman. And parang volunteer ka lang pero with bayad." paliwanag nya. Bet ko ah.
"Talaga? Baka naman mamaya eh palayasin nyo ko dito sa Ilocos tapos di na ako nakapag review then ang ending wala ng natitira sa'kin." advance ako mag-isip. Mas mabuti na yun no.
"Never gonna happen. I promise. So, deal?" nag thumbs up pa sya.
"Deal!"
----------------------------------------------------
"We're just following the guidelines, Sir. Sorry po talaga." ani nung guard na naka duty dahil bawal daw pumasok sa ngayon. Sayang naman.
Bumaba nalang kami ng sasakyan at kumuha ng ilang selfies at kita naman sa likod namin yung lighthouse. Okay na to.
Pinaandar na ni Simon yung sasakyan at parang na dismaya yung itsura nya.
"Okay lang yan. Baka sa susunod na buwan magbubukas na yan edi balik tayo." comfort ko sa kanya.
"Okay lang sayo?"
"Oo naman wala naman akong magagawa. Alangan naman kuyugin natin yung guard para lang makapasok." tawang-tawa naman sya sa sinabi ko. Funny pala yun?
"HAHAHAHA you're crazy!" aniya at tawa parin ng tawa. "Do you eat veggies naman, right?" tanong nya nang maka recover na sya kakatawa.
"Of course!"
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanficIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction