I thought being apart would be the reason to lose our love, but I was wrong. It only proves that if you truly love someone, distance is just a measure. Mas nalaman kong mahal ko nga talaga siya dahil sa tagal ng panahong magkalayo kami ay gano'n parin ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas lumalim pa nga. Last night we talked about us. Humihingi siya ng tawad dahil hindi raw siya naniwala agad sa pinakita ni Vinny bilang patunay na sinira lang kami ni Jon at Ria. Pinakita na pala ni Vinny sa kanya before siya umalis ng bansa pero pinili ni Vinny na ilihim sa 'king hindi naniwala si Simon para hindi ako masaktan. He never stopped saying sorry hanggang sa makatulog na siya. Nasa kabilang kwarto ng resort na 'to siya natulog at ako naman, katabi ko ang mga kaibigan ko.
*knock knock*
Napalingon ako sa bandang pinto nang marinig ko ang katok. Tulog pa ang dalawang babae dito sa tabi ko kaya ako na ang nagbukas, it's Simon.
"Good morning." nakangisi niyang bati. Gandang bungad naman nito. Ngayon ko lang nakita ng maayos ang mukha niya dahil madilim kagabi. Tumaba ang pisngi niya pero gano'n parin, ang liit ng mukha. Iba na rin ang haircut niya at medyo tumaba na siya. Maraming nagbago sa physical appearance niya pero gayon paman, alam kong siya parin ito. Ang lalim ng indian dimple kapag ngumingiti at nakakapanghina 'yung mga titig.
"Good morning." I replied, "Paano mo nalaman na dito ako natutulog?"
"I asked Geordan. Let's eat breakfast, sabay na tayo."
Nilingon ko muna sina Selena at tulog na tulog parin sila. Mamaya na kayo kakain bala kayo dyan. Tumango lang ako kay Simon at kinuha niya agad ang kamay ko saka hinila palabas. Dinala niya ako malapit sa dagat at may nakahanda nang breakfast. Mahilig talaga 'to sa dagat.
"Tayong dalawa lang kakain?" tanong ko nang mapansin kong dalawang pinggan lang ang nasa mesa.
"Yup. Ayaw mo ba na tayong dalawa lang?" aniya sabay pout. Hay naku ang kyut talaga.
"Hindi naman." binaling ko ang aking tingin sa dagat, "Tumigil ka nga sa pagpapa-cute mo diyan hagis kita sa dagat eh." biro ko. Marupok pa naman ako tapos magpapa-cute siya ng ganyan, hmp!
"Why, are you teased?" medyo lumapit siya sa 'kin.
Binalik ko naman ang tingin ko sa kanya, "Of course not! Layo ka nga, kakain na ako."
"Nagsusungit na naman ang girlfriend ko. Okay, let's eat na."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Anong girlfriend? Baka nakalimutan mong nakipag-break ka na 4 years ago? Hindi mo na ako girlfriend bahala ka dyan." saka ako umirap at nagsandok na ng kanin.
"Fine. I'll court you again." aniya sabay pout. Nigara sad abi kay cute.. Grr!
Hindi ako sumagot at patuloy lang ako sa pagsubo, ang totoo kinikilig ako ehe enebe. Nagpipigil ako ng ngiti kaya pakiramdam ko namumula na ako at dinaan ko nalang sa kain para maitago 'yung kilig.
"Baka mautot ka diyan for restraining your kilig, ehe."
Natawa ako sa sinabi niya at nabugwak ko pa ang kinain ko. "Hala ang bastos." ani ko dahil nagkalat sa mesa na may pagkain ang mga kanin na galing sa bibig ko. "Kasalanan mo 'to eh."
"It's okay, 'wag mo na kunan." pagpigil niya dahil kinukuha ko 'yung mga kanin na napunta sa ulam niya.
"Anong it's okay? Nalagyan ng kanin 'yang itlog mo tapos it's okay? Pinapatawa mo 'ko kaya kasalanan mo 'to." kibot ko.
"Itlog ko?"
Napatigil naman ako sa ginagawa ko, 'yun ba sinabi ko kanina? "Eh ano ba tawag mo dito?" turo ko sa sunny-side up egg.

BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanfictionIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction