EPILOGUE

742 37 25
                                    

"Ang swerte mo sa asawa mo dai. Naalala ko dati, sa bibig mo mismo nanggaling na hindi ka magkakagusto sa mga Marcos dahil bla bla bla. Pero tingnan mo ngayon, sino itong malaki ang tiyan at Marcos pa ang ama?" daldal ni Ariana. Binisita nila ako dito sa bahay dahil tutulongan daw nila ako sa paghahanda para sa gender reveal bukas. Natuwa naman ako dahil na-miss ko rin 'tong mga 'to.

"Swerte talaga ako sa kanya sobra." I said then flip my hair. "Well Ariana, life is full of surprises and love is unpredictable. Malay ko bang magugustuhan ako ng Simon Marcos." may pagka-mayabang kong sagot. "At ito pa, aside sa gwapo siya, 4M din."

"4M??!" sabay nilang tanong.

"Bakit 4M? Matandang Mayaman Madaling Mamatay, gano'n? Hindi naman 'yan matanda, Gaga ka ba?" asik ni Selena.

"Sino naman nagsabi sa'yong 'yan ang ibig-sabihin ng 4M? It's, malaki, matigas, mahaba at masarap. Gano'n si Simon, gano'n ang asawa ko."

Hinampas ako ng malakas ni Ariana. Gagi 'to hampas ko kaya sa kanya 'tong tiyan ko?

"Hoy Gaga! Buntis 'yan!" saway ni Selena. Panay naman ang sorry niya habang niyayakap ako at hinihimas pa ang tiyan ko.

"Bakit ka ba nanghahampas?" asik ko.

"Eh kasi ikaw eh! Buntis ka na nga ang harot mo pa." inirapan pa ako.

"Anong maharot do'n? Baka ikaw ang madumi ang isip. Ipapaliwanag ko sa'yo ha, 4M si Simon dahil malaki ang kanyang respeto sa 'kin, matigas ang kanyang paninindigan sa mga pangako niya, mahaba ang kanyang pasensya kahit minsan ang sarap ko ng ihagis palabas dahil sa maarte kong pagbubuntis, at masarap siya magmahal at mag-alaga. Gano'n! Kung ano-ano iniisip mo nanghahampas ka pa hampas ko sa'yo tong tiyan ko eh." Nagtawanan lang sila dahil sa sinabi ko at ang witty ko daw. Eme, kalma ako lang 'to.

"Teka nga, bago tayo magkalimutan, naalala niyo ba 'yung usapan natin before? 'Yung about sa pag-aasawa?" Selena asked. Oh no! Sana naman hindi ito about sa pustahang one million.

"Hmm?" nag-iisip si Ariana, gosh! Sana nakalimutan na nila 'yun. "Ahuh! Hindi ba't sabi mong hindi ka mag-aasawa?" pinanliitan niya ako ng mata. Shoot! Naalala na nga nila.

"Yun! At 'di ba may usapan tayo? Ano nga 'yun? Kapag mag-aasawa ka, bibigyan mo kami ng? I want to hear it from you, Nika." nilapit pa ni Selena ang tenga niya sa 'kin. Nakakaloka ang mga 'to.

"Bakit ba naalala niyo pa 'yun?" dabog ko, "Pero sorry, sa lahat ng pangako ko parang 'yung pangako na 'yun lang naman yata ang hindi matutupad, hehe." Ani ko at nag peace sign.

"Bakit hindi mo tuparin? Mayaman naman kayo!" bulyaw ni Ariana at nakapameywang pa.

"Naku kuripot ang asawa ko at kung kuripot siya, mas kuripot ako kaya pasensya na. 100 pesos nalang, siguradong mabibigyan ko kayo." ngumiti ako ng malawak.

Tinalikuran ko na sila at kinabit ko na ang pink at blue na tela para sa Party bukas. Lumapit naman sila at tinulungan ako.

"Kung hindi ka lang buntis sinapak na kita. One million na naging bato pa." kibot ni Selena.

"Bakit ba kasi ngayon lang natin naalala 'yan kung kailan buntis na 'to hindi tuloy natin ma bigwasan." gatong naman ni Ariana.

Natawa nalang ako sa kanila. Nang makabit na namin ang tela ay nilagyan na namin ito ng mga disenyo, puro pink at blue, syempre gender reveal eh. Sunod naming ginawa ay table skirting, tinuturo 'to sa hospitality management na inaral namin dati at dala parin namin hanggang ngayon. Isa rin 'to sa mga pinagkikitaan ko dati no'ng nag-aaral pa ako ng BSBA.

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon