"Bakit ba naging Valentine's Day ang araw na 'to? Gusto ko malaman yung kwento behind." tanong ko nang matapos na kaming kumain. Nandito kami ngayon malapit sa dagat, mas malapit kesa do'n kung saan kami nag dinner. Nagpagawa rin sya dito ng romantic white picnic tent na may mga petals pa ng red roses na nagkalat sa picnic mat. Madilim ang paligid at tanging curtain lights lang na kulay kahel ang nagbigay liwanag sa amin. Di ko maiwasang mamangha dahil napaka-romantic nito talaga.
Uminom muna sya ng wine bago sumagot, "According to the legend, the day is celebrated to mark the death anniversary of Saint Valentine who died in mid-February in 270 AD. It is said that Saint Valentine was a priest, who defied emperors' orders and secretly married couples to spare husbands from war. And that's the reason of his death."
---------------------------------------------------
Limang araw na ang nakalipas mula no'ng Valentine's Day pero hanggang nayon kinikilig parin ako sa ginawang surprise ni Simon para sa'kin. First time kong makaranas ng gano'n kaya big deal talaga 'yon sa'kin.
"Why are you smiling?" bumalik lang ako sa sarili nang biglang nagtanong si Simon. Nakangiti na pala ako. "You're blushing pa, pinapakilig ka ba ng wire whisk?"
Napatawa nalang ako sa tanong nya. Gumagawa ako ngayon ng butter cake dahil may umorder at wini-whipped ko yung cream for topping. Nag-volunteer naman si Simon na tumulong, taga-abot lang ng ingredients gano'n at gusto rin daw niyang matuto sa pag-bake. "Naisip ko lang yung surprise mo sa'kin last Valentine's Day kaya ako nakangiti. Ikaw lang kasi gumawa sa'kin ng gano'n."
"Di ba yun ginagawa ng ex mo before?"
Natigil ako saglit sa pag-whip, "Hindi. Hindi rin naman kami umabot ng Valentine's Day kasi di ba, December 24 ko sya nahuling nagloko." ani ko at nagpatuloy lang sa pag-whip ng cream. "At hindi rin ako sinusurprise no'n. Balewala nga lang ako sa kanya, di nya ako pinapahagalahan dahil kampante lang sya at alam nyang marupok ako sa kanya. Ngayong expired na ang karupokan ko, habol naman sya ng habol. Like iww dinosaur na ulol yarn?" dagdag ko.
"Well for sure, nagsisisi na sya ng sobra ngayon."
"Panigurado. Pero bahala sya. Swerte nya ah pinag-uusapan natin. Ano sya, gold?" I rolled my eyes, "paki-abot ng kape."
*ting!*
Tumunog ang cellphone niya, may nag-text siguro. Inabot nya muna sa'kin yung kape na panghalo dito sa cream bago tiningnan yung cellphone nya.
"Sino yan?" tanong ko nang mapansin kong nag-iba ang expression ng mukha nya habang binabasa ang text.
"A-ah nothing. J-just an information about sa company." utal nyang sagot. Ayoko naman syang paghinalaan kaya naniwala nalang ako kahit labag sa loob. Base kasi sa expression ng mukha nya parang may something eh. "Ahm.. I have to go. Okay lang?"
"Oo okay lang. Sige mag-ingat ka." sagot ko at hinalikan nya muna ako sa pisngi bago umalis. Pinagmasdan ko lang sya hanggang sa paglabas nya at pansin kong balisa sya, ano kaya nangyari? Di ko nalang pansinin 'tong nararamdaman ko makaka-distract lang 'to sa'kin eh. Kailangan ko mag-focus ngayon dahil andaming order. Nakakatuwa nga eh kaso mukhang kailangan ko nang bumili ng mas malaking oven para mas mapadali. Di pa nga ako tapos sa butter cake may umorder na naman ng coffee cake at chiffon. Nakakapagod minsan pero I love baking eh kaya na-eenjoy ko.
---------------------------------------------------
"Hoy bakla may problema ba kayo ni Simon?" asik ni Ariana nang makapasok na sa kwarto namin. Kakarating lang nila galing sa trabaho at ako nama'y naghahanda na para pumasok, di ko na tinuloy yung magpalit ng schedule dahil naisip kong mas okay na sa umaga ako bakante para magawa ko ang mga order na cake.
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanficIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction