Naghanda na ako para pumunta sa pinaka malapit na money remittance. Magpapadala na ako ng pera para may magamit na sina mama sa bahay. Inagahan ko sa pagpunta dahil Sunday ngayon and every Sunday is mas maaga sila mag close compare to Monday to Saturday.
May trabaho naman yung mama at papa ako kaso di maiwasan na kukulangin minsan dahil nag-aaral pa yung mga kapatid ko. Mahal ang tuition fee at may mga monthly bills pa.
Pagdating ko sa money remittance agad akong nag-fill up ng form at binigay ito sa teller.
Maya-maya pa ay tinawag na ang pangalan ko para kunin ang resibo, ibig-sabihin tapos nang maipadala at pwede na akong umalis.
Palabas na ako nang makita kong papasok si Jon sa pinanggalingan ko. Agad kong tinungo ang aking ulo upang hindi nya ako makilala. Diretso lang ako sa paglalakad. Kinakabahan ako ng sobra. Paano pag nakita nya ako? Nooo way!
"Nika, is that you?" sh*t!
Di ko inangat ang aking ulo at mas binilisan ko pa ang paglalakad. Sana naman di na nya ako susundan.
"Nika! Wait!" sigaw pa nya habang sumusunod sa gawi ko. Ano na naman ba gusto nitong lalaking to?!
Di talaga ako lumingon at hindi rin ako tumakbo. Baka pag tumakbo ako eh mahalata pa nya na ako nga ito. Binilisan ko lang ang paglalakad hanggang nakarating ako sa medyo mataong lugar. Nagpalingon-lingon ako baka sakaling nasundan pa nya ako but thanks God! Di na sya nahagilap ng paningin ko.
Umupo ako sa bench dahil nangatog ang mga tuhod ko.
"Jenica! Please kahit ngayon lang give me a chance to talk to you."
Samo't saring emosyon ang nararamdaman ko nang biglang sumulpot si Jon sa harap ko at hinigit pa ang aking kanang braso. Gulat, kaba at galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
"Tangina! Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko habang nagpupumiglas. Bwesit ang sakit!
"Please... Please..." pagmamakaawa nya habang hawak parin ang braso ko.
"Bitiwan mo ang braso ko kung ayaw mong masapok kita pag nakawala ako!" pagbabanta ko pa. Di ako nagbibiro sasapukin ko talaga sya.
"Bibitawan lang kita pag pumayag kang mag-usap tayo." aniya sa mahinang boses.
Nilihis ko ang tingin ko sakanya at nag-iipon ng lakas para makawala mula sa pagkahawak nya.
"Please.." dagdag nya dahil hindi ako sumagot.
Tahimik lang ako at kinalma ko ang aking sarili. Hawak nya parin ako at nang maramdaman kong medyo lumuwag na yung pagkahawak nya agad kong tinanggal ang aking braso mula sa kamay nya at sinampal sya nang napakalakas. Mas malakas yung force ng sampal ko kesa sa suntok. Ewan ko ba di ako makakapag bwelo ng maayos kapag suntok eh kaya mas pinili kong sampal ang ibigay sa kanya. Deserve nya naman siguro yun!
"Aray! Para san ba yun?" gulat sya at hawak-hawak yung pisngi nyang namumula dahil sa sampal ko.
"Ah talaga? Tinatanong mo pa talaga kung para saan? Sinabihan na kita kanina lang, nakalimutan mo na agad? Ah makalimutin ka nga pala talaga, ano? Kaya pala ganun nalang kadali sayong kalimutan yung mga ginawa mo sakin? tsk!" habang sinasabi ko ang mga salitang yan ay diniinan ko sya ng tingin sabay smirk.
"Nika, that's the reason why I want to talk to you! Please give me a chance." mahina pero madiin nyang sabi.
"Aykog english englishi dong kay bisaya tang dako!" (wag mo ko english englishin, bisaya tayo) sabi ko at inirapan sya.

BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
Fiksi PenggemarIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction