CHAPTER 35

393 31 9
                                    

It's been a while since hindi na ako nag-open ng kahit anong social media. Na bored ako kaya sinubukan kong i-check 'yong mga accounts ko, ang gulo. Gano'n parin ang toxic ng social media. Pumunta naman ako sa tiktak, Marcos parin pala laman ng FYP ko. Habang nag-ii'scroll ako, nakita ko na naman ang isang content na binabash ako. Hindi pa pala sila tapos sa 'kin. Sunod kong binuksan ang IG, dami kong new followers at request messages, binasa ko lahat. Ang iba magagandang messages na concern sa 'kin ang iba naman bashers at pinagsalitaan ako ng kung ano-ano. Go lang, bahala kayo. I decided to deactivate all my social media accounts para sa peace of mind ko.

Binago ko na rin ang daily routine ko. Pagising sa umaga, magdadasal ako as always naman at pagkatapos ay mag-eehersisyo. Napansin ko rin na medyo nagkalaman na ako pero hindi ako sure kaya kinuha ako ang weighing scale para i-check ang timbang ko. At tama ako, nadagdagan nga 'yong timbang ko ng 8 lbs. Ang saya ko, nagtatalon pa ako sa tuwa. "Yeheey! Tumaba na si mommy!" sigaw ko habang karga-karga si Pilsen.

"Pansin ko nga, dai. Tuloy mo lang 'yan, mas maganda ka kapag medyo nagkalaman ka." komento ni Selena habang busy sa ginagawa n'yang crochet. Kumikita rin siya dyan eh.

"Kumustahin mo naman ang boypren mo, Selena. Ano na bang balita do'n sa paghahanap niya sa mga walang hiyang sumira sa'min ni Simon?"

"Kumikilos na siya, girl. Kalmahan mo lang."

"Paano kakalma?"

"Ikaw na bahala paano mo pakalmahin 'yang kaluluwa mo. O sya, bibili lang akong yarn, naubusan ako eh. Dito ka muna." tumayo na siya at iniwan lang sa lamesa ang mga gamit niya sa pag-crochet.

Naiwan naman akong mag-isa, may date kasi si Ariana at Geordan. Hindi naman ako na-iinggit, hindi.

At dahil maaga pa naman, naisipan kong magluto ng dessert. Nag-crave ako bigla ng mocha cupcakes with espresso frosting kaya 'yun ang gagawin ko.

Nag mise en place ako ng ingredients nang biglang may kumatok. Binuksan ko ang pinto, "Oh Karl, ano sadya mo? Pasok ka muna."

"May good news ako." aniya at pumasok. Iginiya ko siya patungong sala at pinaupo muna habang nagtitimpla ako ng juice para sa kanya. Bumalik na ako sa sala at nilapag sa kanya ang juice at brownies na niluto ko kahapon lang, "Pinoy ka talaga napaka-hospitable mo."

"Hindi naman, gutom lang kasi 'yang itsura mo kaya ayan kumain ka." biro ko. Close na kami nito eh. "So ano 'yong good news?" nasasabik na tanong ko.

"Hindi ka naman masyadong excited, right?"

"Yeah hindi naman masyado." I shrugged.

"HAHAHA! okay okay. Here," may kinuha siyang papel mula sa envelope na dala-dala niya at nilapag ito sa mesa, "Kilala mo 'to?"

Tiningnan ko muna ng mabuti ang mukha ng babae at naalala kong siya 'yong kasama ni Simon sa restaurant, "Hindi ko siya kilala pero siya 'yong kasama ni Simon sa restaurant nakaraang buwan. Ayon kay Simon employee na 'yan. Bakit? Anong meron sa babaeng ito?"

"4 years na siyang employee ni Simon. I know her actually. Dati pa nahahalata ko na na may gusto 'yan kay Simon at dahil sa tulong ng mga kaibigan kong kaibigan din niya, na kumpirma kong may gusto talaga siya kay Simon. Her name is Ria Montefalco and--"

"Ria o Rian?" pagsiguro ko.

"Ria. Si Rian ex 'yon ni Simon and I'm sure alam mo na 'yan. You have nothing to worry about Rian dahil nasa ibang bansa na 'yun, Netherlands? I'm not sure." tumango-tango lang ako, "so ito nga si Ria Montefalco. She's obsessed to Simon. And isa siya sa mga dahilan ng hiwalayan ninyo. Isa s'ya sa gumawa ng mga pekeng ebidensya."

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon