Madilim na nang makarating kami sa bahay nila. Ang layo naman kasi talaga ng Apayao sa Laoag. Dito nalang din daw kami magpalipas ng gabi at bukas na babalik sa Manila. Nasa kusina kami ni Tita Liza ngayon, tinulungan ko syang magluto. Siya ang nagluto ng ulam ngayon dahil hindi daw sya busy at Mechado ang naisipan naming lutuin.
"Ang sarap po." komento ko matapos kong tikman ang niluto nya. "Luto na po 'to."
"Really masarap? Hindi naman lasang adobo, right?" naguluhan ako sa tanong ni Tita. Bakit maging lasang adobo ang Mechado?
"Hindi naman po. Bakit, adobo po ba nalasahan nyo?"
"Ah. No, Iha. Hehe," sagot nya at parang kinikilig sya base sa expression ng mukha nya, "Ihain na natin yan para makapag-hapunan na."
She's acting weird pero di ko nalang pinansin. Nakahain na sa mesa ang pagkain at isa-isa nang tinawag sina Simon at Vinny para sabay-sabay na kakain. Wala si Sir Sandro, nasa bahay nya siguro at si President naman wala rin dahil busy sa tungkulin. Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain. Nakakatuwa lang dahil parang pamilya na nila ako kung ituring. Hindi mo talaga maramdaman na may boundary. Natapos na akong kumain at tumayo na ako para ilagay sa lababo ang pinggan ko nang biglang magsalita si Tita. "Kain ka pa, Iha. Kaya di ka tumataba eh. Konti lang ng kinain mo."
"Ang sarap pa po sanang kumain dahil ang sarap ng luto nyo kaso busog na po talaga ang tyan ko eh." sagot ko. Bago pa ako makalayo mula sa mesa ay naramdaman kong parang lumalamig una ang ulo ko sunod naman ay ang buong katawan ko. Parang namamaga rin ang aking mga labi at dahan-dahang naging blurry ang paningin ko. Di ko man lang namalayang bumagsak na pala ako, nalaman ko lang nang maramdaman kong may sumalo na sa'kin at tinapik-tapik ang mukha ko.
"Oh my god! What happen to you, Iha. Are you pregnant? Is she pregnant??!" rinig kong nataranta na si Tita. Nakapikit ako ngunit gising naman ang diwa ko. Naririnig ko sila pero sa mahinang boses, yung parang boses sa panaginip, ganun.
"Mom, calm down. She's not pregnant." diko makita kung sino ang nagsasalita pero alam kong si Vinny yun base sa boses nya.
"Hanan.. Please wake up. Wake up.." patuloy paring tinapik-tapik ni Simon ang mukha. Ang lamig ng kamay nya, ramdam na ramdam ko ito, "LET'S BRING HER TO THE HOSPITAL!!"
Akmang kakargahin na nya ako nang pinilit kong ibuka ang aking mga mata, "N-no.. O-okay lang.. ako." utal kong saad dahil wala akong lakas kahit sa pagsasalita. Blurry parin ang paningin ko ngunit naaaninag ko na sila.
"Are you sure? What happen? We'll bring you to the hospital to make sure. Vince, tell them to ready the car!" mando nya sa kapatid nya na taranta na rin.
"Wag na kasi.." mahina pero mariin kong pagkasabi at pinilit kong bumagon. "Nahihilo lang ako.. sa pagod.. at sa byahe siguro kanina." inalalayan nila akong makatayo at pinaupo sa upuan, "Pasensya na kayo, naabala ko pa kayo sa pag-kain." paghingi ko ng paumanhin dahil kita kong di pa sila tapos kumain. Naalala ko na may hawak akong pinggan bago ako bumagsak kaya nataranta ako, "Hala, nabasag ko ba yung pinggan?!" lumingon ako sa likod kung saan ako bumagsak kanina at doon nakita ko ang basag na pinggan.
"Don't worry about the broken plate, Iha. Calm down. We're all worried about you. Are you sure you're fine?" alalang tugon ni Tita. Kita ko sa mata nya ang pag-alala ng isang nanay.
"Opo, okay lang po talaga. Nangyari din po sa'kin 'to last year no'ng napagod ako ng sobra. Pero ayos lang po talaga."
"Kuya Simon's crying." biglang nagsalita si Vinny at sabay kami ni Tita na napalingon kay Simon.
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanfictionIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction