I dedicate this chapter to fyweek11 ,MariOndevilla, MaryRose103 @JustineAngelPiquero dahil ang sipag nyo mag comment ng 'next'. Labyu mga mare😙
_________________________________________Bandang alas-diyes na ng gabi kami naka-uwi sa bahay nila. Medyo napasarap yung usapan namin ni Simon sa resort na iyon kaya natagalan kami sa pag-uwi. Andami kong nalaman tungkol sa kanya na kanina ko lang nalaman, kagaya ng takot sya sa karayom. Natawa pa ako pero na realize kong maling pagtawanan ang kahinaan ng isang tao.
Nasa tapat na kami ng bahay nila. Dito pala dinala yung mga gamit ko na sabi ni Karpo ay nasa tamang paglalagyan. Nahihiya pa akong pumasok sa kadahilanang umalis ako ng hindi nagpapaalam ng pormal.
Di naman daw galit si Tita Liza. Nalaman na kasi nya ang totoong nangyari at kabado ako dahil nagsinungaling ako sa note na iniwan ko. Si Manang na ang nagbukas ng gate dahil tulog na ang mga tao. Nakangisi lang ako kay Manang dahil kahapon lang nong umalis ako at akala nyang babalik na ako ng Manila. Nginitian nya naman ako ng nakakaloka. Pambihira naman.
Umakyat na kami sa hagdan papuntang kwarto namin at bago ko pa mapihit ang doorknob sa guestroom kung saan ako matutulog ay hinawakan ni Simon ang braso ko. "Sa kwarto ko muna tayo." halos pabulong nyang sabi.
"Ha? Hindi. Matutulog na ako inaantok na ako eh." usal ko. Totoo inaantok na talaga ako.
"I have something to show you. Sige na madali lang 'to." sambit nya at hinila na ako papuntang kwarto nya.
"Ano naman yang something na yan?" tanong ko agad nang nasa loob na kami.
"Look at this figurine." dinala nya ako sa bandang sulok ng kwarto nya malapit sa bintana at pinakita sa'kin yung sinasabi nyang figurine. "I made this." lawak ng ngiti nya.
"Wow ang ganda. Ano yan, sunrise o sunset?" tanong ko. Nalilito ako kasi araw ito na nakatago pa sa ulap ang kalahating parte.
"It supposed to be sunrise but I realized pwede rin syang sunset, so it can be both." sagot nya, "I made this for you." at inabot nya ito sa'kin.
"Talaga? Sure ka? Bakit sa'kin mo ibigay?" di ako halos makapaniwala dahil ang ganda nito para ipamigay lang.
"Because you symbolizes sunrise, my sunrise to be specific. Do you know Hanan, right? She's the goddess of morning. She brings hope and a new beginning. You are my new beginning, Hanan. You deserve that sunrise figurine." narinig ko na to last time. Sya din nagsabi.
"Kaya ba gustong-gusto mo akong tawaging Hanan kahit ayaw ko sa pangalang iyan?"
"Yes." nakangiti nyang sagot. Kaya pala, ngayon alam ko na.
"Alam mo, Si. Ikaw dapat yung sunrise ko eh. Di na talaga kasi ako umaasa na magmahal ulit ako pagkatapos ng nangyari sa'min ni--"
"Ssshh.." di ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya akong niyakap at sinubsob ang mukha ko sa dibdib nya.
"Paano mo naman ipaliwang kung sunset 'to? Sabi mo pwede syang sunrise o sunset." follow up question ko haha at humiwalay na sa yakap.
"Every sunset brings the promise of a new dawn." seryuso lang ang mukha nya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Ang drama na ng atmosphere, ayoko na.
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanficIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction