CHAPTER 26

431 29 8
                                    

Simula no'ng nalaman kong may jowa na itong dalawa kong kaibigan ay pinagsabihan kong mag-aral na silang magluto ng lutong bahay dahil kapag nagka pamilya na, mas maganda kung marunong magluto ang ilaw ng tahanan. At ayun sila sa kusina, nag-aaral na magluto. Binigay ko lang sa kanila yung recipe ng sinigang at sinimulan na nilang lutuin. Maganda 'to dahil may katulong na ako sa pagluluto. HAHAHA. Araw-araw na silang nagkikita ng mga jowabels nila, kung hindi dinadalaw sa coffee shop, ay dinadalaw sila dito sa apartment kapag may bakanteng oras. Eh ako? Mag-iisang linggo na hindi parin nakabalik si Simon dito sa Manila. Busy kasi sya. Nakahiga lang ako ngayon sa sofa dito sa sala habang hinihintay maluto ang niluluto nila para makapag-agahan na.

"BULIGA!!"

"Ay!! Giatay.. Agaay litsi." halos mamilipit ako sa sakit dahil nabagsakan ng cellphone ang mukha ko dahil sa gulat.

"Damn it! I'm sorry. I didn't mean it.."

"Anong nangyari dito?" biglang sulpot ni Selena na may bitbit pang sandok. "O, Sir Simon? Anong ginagawa mo dito?"

"I just want to surprise Hanan, but.. I'm sorry. Are you hurt?" umupo sya katabi ko at hinihimas yung mukha kong nahulogan ng cellphone.

"Di pa ako naka recover sa sakit ng bagsak ng cellphone tapos ngayon gulat na naman kung bakit nandito ka. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at tinanggal ko na yung kamay nya sa mukha ko.

"Maiwan ko muna kayo dyan, babalikan ko lang ang niluto ko." paalam ni Selena at umalis na patungong kusina.

"Sorry masakit pa ba?" tanong nya ulit.

"Hindi na, okay na. Ano at naparito ka?"

"I need to go back to work eh and I have many things to catch up, pero sa Monday pa naman. And this weekend, I have a surprise for you." ang lawak na naman ng ngiti nya. Ang sarap sundotin ng indian dimple nya kaya sinundot ko talaga. "Aww!! That hurts." reklamo nya.

"Blame yourself! Ang cute mo." tumayo na ako mula sa pagkaupo, "Tara breakfast tayo. Sinigang ang ulam. Sila pinaluto ko para matuto." ani ko at naglakad na papuntang kusina. Ano na naman kaya ang surprise nya.

Sumunod naman sya sa'kin, "Good morning, girls." bati nya sa mga kaibigan ko.

"Good morning, Simon." sabay nilang bati. Himala di na sila nangisay gaya ng dati.

"Lahi ra jud pag makauyab na oy di na kiligon ni Simon." (Iba talaga kapag may boypren na, di na kinikilig kay Simon.) tukso ko sa kanila sabay sundot sa kani-kanilang tagiliran.

"Abas dzai."

"I can't understand, what's going on? I heard my name." sabay naman kaming napalingon kay Simon.

"Wag ka mag-alala di ka namin chinichismis. Upo ka na dyan, ihanda ko lang 'to." sumunod naman sya na parang bata at naghihintay sa kung ano ang ihahain.

---------------------------------------------------

"Wear this." sabay abot sa'kin ng protective gears.

"Sure ka ba marunong ka mag motor?" panigurado ko.

"One week ako nag-aral eh so I think, yes. Fast learner." aniya sabay kindat. "Suot mo na yan."

Sinimulan ko ng isuot itong mga inabot nyang motorcycle riding gears. Andito kami ngayon sa Laoag, ito siguro yung sinasabi nyang surprise nya sa'kin, yung marunong na sya mag drive ng motor. After namin kumain kanina excited na syang pumunta sa airport kahit di pa nakababa ang mga kinain namin dahil ready na daw ang jet nila. Taray. Kakarating pa nga lang nya sa Manila back to Ilocos na agad para lang sa surprise nya kuno.

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon