Kinabukasan ay pinasyal kami ni mama sa farm nila papa dito sa Isabela. Halos araw-araw na akong bumabyahe sa iba't ibang lugar, nakakapagod pero masaya naman. Dito daw sila nagkakilala no'ng nasa 20 pa si mama at si papa naman ay 22. Nagtatrabaho daw si mama sa bakery dito sa Isabela at si papa naman, nagtitinda ng dirty ice cream at laging tumatambay sa tapat ng bakery na tinatrabahuan ni mama. Doon nga nila na discover na masarap pala i-palaman ang ice cream sa tinapay. maganda naman ang love story nila, ang mali lang ay hindi nila na plano ng tama ang pagbuo ng pamilya kaya nahirapan kami sa buhay, pero masaya akong nalampasan na namin ang yugtong iyon. Ang babata pa pala nila no'ng natagpuan nila ang trulab keneme samantalang ako 29 na unmarried parin. Pero ayos lang naman.
Naglalakad kami ngayon sa maputik na daan at lahat kami nakasuot ng bota. Akay-akay ko naman ang pamangkin kong siete anyos. Malapit na kami sa may kubo at nakita kong may lalaking lumabas na may katandaan na, siya daw ang ang caretaker dito sa farm. Medyo may kaya naman pala sina papa dito pero bakit kami naghihirap sa Mindanao?
"Ading! Kumusta, long time no see." sinalubong niya si papa at nagkayakapan sila, mukhang miss na miss ang isa't isa.
"Ito malakas parin, kasinsin. Buti nalang at may masipag akong anak kung wala, siguro mahirap parin ang buhay." ani papa. Mag-pinsan pala sila? Andami ko pa talagang kamag-anak na hindi ko pa kilala.
"Naku mabuti ka pa, ako ito ganito parin."
"Adda kaasi ni Apo Dios. Magtiwala ka lang, makakaahon ka rin." (May awa ang Diyos.)
Kapag yayaman na talaga ako, una ko 'tong tutulongan. Gustong-gusto ko nang tumulong kaso hindi pa talaga sapat kaya hintay-hintay nalang muna ako.
Sunod kaming pumunta ni mama sa sakahan kasama 'tong Tito ko na pinsan ni papa. Hindi na sumama ang ate at bunso namin dahil napagod na daw sila kakalakad, pero ako adventurous ako eh kaya gusto kong subukan 'to. Tumamak na ako sa putikan at bitbit ko ang may sakto nang laking palay, ililipat na ito ng tanim. Tinuruan naman ako ni Tito kung paano ang tamang pagtusok at kung gaano kalayo ang distansya.
Nang natuto na ako ay ako nalang mag-isang nagtutusok ng palay sa isang hectare na putik. Mainit, buti nalang hindi ako maarte kaya keri lang.
"Need some help?"
"Ay b'l*at sa kabaw!" kakatuwad ko lang para itusok ang another palay nang biglang may nagsalita. Kita ko pa kung paano nagulat ang kalabaw dahi sa sigaw ko. "Anong ginagawa mo dito hoy?!" gulat kong tanong.
Nakatayo lang siya at nakangisi. Ang cute niya tingnan sa puting long sleeve na manipis at kulay khaki na pang-ibaba na tinupi pa hanggang tuhod niya dahil naka bota rin siya. Sinapak ko pa ng may kalakasan ang sarili ko baka namamalik-mata lang ako pero pagdilat ko ulit ay nandiyan parin siya.
"Even on yourself you have trust issues, ehe. Believe in yourself this time, it's me." aniya.
Kumunot ang noo ko at naibato ko pa sa kanya 'yung natitirang palay, "Ay hala sorry!" ani ko nang ma realized kong pagkain pala 'yung binato ko, sa palay ako nag sorry hindi kay Simon. Lumapit ako sa kanya para kunin 'yung binato ko. "Ano ba at naparito ka? Paano mo nalamang nandito ako at paano ka nakapunta dito?"
"Hey, slowdown. One question at a time." kunot-noo niyang saad at tinapat sa 'kin ang palad niya. "Nagtanong ako sa mga friends mo and.. nagpaturo ako sa family mo kung saan 'to. Hehe."
Family ko? Hindi pa nga pala nila alam na naging boyfriend ko 'tong pangalawang anak ng Presidente, so paano sila na contact ni Simon? At ano kayang reaction nila? "Paanong sa family ko? May contact ka ba sa kanila? Hindi nila alam na nilalandi mo ako kaya paano ka nila matuturuan na nandito ako?"
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanfictionIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction