"Nika mag hunos-dili ka!" sabi ko sa sarili at sinapok pa ng mahina. Grabe ganun nalang siguro ako kasabik i-escape ang nakaraan ko kaya nilagay ko agad sa isip ko na in love na ako sa iba. Krazy Nika!
Pero nagtaka ako kanina bakit di ako nakilala ni Sir Simon eh kaninang umaga lang nung sinauli ko sa kanya yung wallet nya. Di nya ba ako namumukhaan? Barista rin ako sa coffee shop nila bat di nya ako kilala? Nakakapagtaka. Sabagay di sya tumitingin sa mukha kapag nakikipag-usap kaya siguro di nya ako nakilala at may face mask din ako kada duty ko. Himala kanina dahil tumingin sya sa mata ko habang nakikipag-usap. Dun ko napansin na ang ganda pala talaga ng mga mata ni sir Simon. Minsan lang tumitig pero kapag tinitigan ka nya parang kilalang-kilala na nya buong pagkatao mo. Naghahalungkat ng kaluluwa yung mga titig nya.
Tumayo ako mula sa pagka-upo at naglakad-lakad. Nakaramdam na naman ako ng lungkot kaya umupo ulit ako sa may damo. May bench naman pero mas gusto ko dito. Tiningnan ko ulit yung mga pictures ko at picture namin ni Sir Simon. Ilang beses ko ng na meet si sir pero ito palang yung first picture namin. Ano na naman kaya reaction nina Selena at Ariana nito. HAHAHA. Tumawa ako ng mahina dahil na-imagine ko yung reaction nila.
"Hey!"
"Ay giatay!" sh*t! Gulat na gulat ako nang biglang sumulpot si Sir Simon sa harap ko. Sabayan pa ng pa talon nya na parang bata na nang-gugulat, "Napamura ako sir. Lagot ka" sabi ko sa kanya.
"Oh really? Curse ba yun?" conyo pero ang cute pakinggan.
"Oo sir. Only bisaya knows." sabi ko saka ko tinap yung damo katabi ko, "upo po kayo."
"Ah bisaya ka pala? Bisaya are indeed beautiful. Mama Meldy's bisaya too." He's referring to his grandma. Naks! sabi nya sabay upo sa tabi ko.
"Nambola ka pa ah. Pero totoo ganda ni Madam Imelda. Bakit ka ba nandito?" hinarap ko sya para marinig yung sagot nya. Bakit ba kasi to bigla nalang sumulpot eh sa pagkakaalam ko busy to sa buhay.
"I'm so stressed and gusto ko lang mag relax. Eh nakita kita that's why I'm here ehe ehe." cute talaga ng tawa nya.
"Eh kanina lang nadaanan mo ko dun diba?" sabay turo ko dun sa may nakatayong 'BGC'.
"Oo eh. Ahh late na nang ma-realize ko na ikaw pala yun kanina, you know yung nagsauli ng wallet ko. Thank you nga pala ah." sabi nya at kinamot pa ang ulo nya.
"Ahh so namumukhaan mo pala ako?"
"Yeah.." tipid nyang sagot at nilibot-libot ang tingin nya sa paligid.
"About dun sa pagsuli ko sa wallet mo, don't mention it. Ginagawa ko lang yung tama at isa pa takot ako sa karma noh. Salamat nga pala dun sa pabuya mo." ani ko, "Hindi mo alam no?" tanong ko sakanya.
"Na ano?" balik nyang tanong saka tiningnan ako.
"Barista ako sa isa nyong coffee shop." kinuha ko yung chips mula sa paper bag na binili ko kanina sa convinience store.
"Talaga?"
"Yes." dumukot ako ng chips at inabot ko yung plastic sa kanya, "kain ka, para naman may nginunguya-nguya ka dyan habang nag chi-chill tayo." parang di sya boss kung ituring ko HAHAHA sige lang rest day ko naman eh.
Dumukot naman sya at sumubo. Diko expect yun ah. Akala ko maarte to, mayaman eh pero kumakain pala ng chips na tig kinse pesos lang, "It taste good pala."

BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanfictionIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction