Pinababa na ako at inakay naman ako ni Karpo papasok sa isang function hall dito sa resort. In fairness ang ganda ng lugar. Ang lamig, hindi polluted at malayo sa kaguluhan. Pero teka, ano ba ginagawa namin dito?
"Isuot mo to." ani Karpo nang makarating kami sa restroom at inabot sa'kin ang isang paper bag.
"At bakit naman?" mataray kong tanong.
"Wag ka ng magtanong."
"Wag kang sisilip ha. Tatanggalan talaga kita ng mata." pagbabanta ko.
Pumasok na ako sa isang cubicle at doon ko tiningnan ang laman. Isang bodycon dress na color red at.. my goodness may undies pa at nipple pad. Ano ba 'to? May towel, toothbrush at toothpaste. Pero bakit walang sabon at shampoo? Naalala ko wala pala akong ligo mula kaninang umaga. Lumabas muna ako at hinanap ko si Karpo. Nang makita ko na sya ay tinawag ko ito, "Hoy Karpo! Wag kang aalis dyan. Maliligo lang ako. Wag mo kong iwan dito dahil hindi ko kabisado ang lugar na 'to." pasinghal kong saad.
"Sige na. Go!" aniya sabay waldas sa kamay na animo'y tinaboy ako.
Pumasok na ulit ako at naligo. May shampoo at sabon naman dito sa loob ito nalang gagamitin ko. Bago ko pinahid ang sabon sa katawan ko ay hinugasan ko muna ito ng mabuti. Malay ko kung sinong naunang gumamit nito. Nang matapos na akong maligo ay nag-sipilyo na ako habang nasa ulo ko yung towel para matuyo yung buhok ko. Naka-lock naman ang pinto kaya ayos lang na hubo't hubad ako. Tapos na akong mag-sipilyo kaya nagbihis na ako. Di ako sanay sa nipple pad dahil bra lang naman talaga yung ginagamit ko. "Paano ba 'to?" maktol ko. Pinag-experimentuhan ko nalang kung paano ito gamitin at sa tingin ko tama naman ang ginawa ko. Sinuot ko na rin ang bodycon dress at kasyang-kasya ito sa'kin. Kaya pala nipple pad lang ang ipasuot dahil ang laki ng open sa likod. Sexy naman nito. Tinanggal ko na ang towel sa ulo ko at sinuklay ko na ang aking buhok. Nagsimula na akong magtaka kung anong magaganap ngayon. Sino kaya may pakana nito at bakit ako yung napag-tripan Kumpleto ang laman ng bag na 'to dahil may make-up kit pa. Di Ako mahilig sa make-up pero dahil ang ganda ng damit, maglalagay nalang ako ng light. Nagpulbo muna ako bago ang lahat. Light brown lang yung nilagay ko para sa eyeshadow at pink naman para sa cheeks. Scarlet stellar naman yung ginamit kong lipstick para babagay sa red dress ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at di maitatanggi na maganda pala talaga ako. Pero may kulang eh. Ang plain ng buhok ko dahil basa pero bahala na.
Lumabas na ako dala-dala yung paper bag na ngayo'y may laman na'ng basang damit ko. Nakita ko naman si Karpo na nakaupo parin sa kinauupuan nya kanina. "Karpo tapos na ako. Anong susunod na gagawin?"
"Maghintay ka muna dito at aalis lang ako saglit." aniya at tumayo na mula sa pagkaka-upo.
"Hoy baka naman hindi ka babalik at iwanan mo ako dito? Umayos ka talaga kung gusto mo pa mabuhay ng matagal." asik ko sabay turo sa kanya.
"Wag kang magalit ng ganyan. Di bagay sa ganda mo ngayon." ngayon lang ata ako natuwa sa sinabi nito. "Maghintay ka dito. Kung hindi ako makabalik, ayos lang malaki ka na, kaya mo na sarili mo." aniya at humakbang na para umalis.
"Hoy! Gago to ah." sigaw ko at susunod na sana ako sa kanya. Susunod talaga ako kesa naman maiwan ako dito eh hindi ko alam 'tong lugar na 'to.
"HAHAHA joke lang! Maghintay ka dyan babalik ako." at umalis na sya.
Nasapo ko nalang ang mukha ko at umupo nalang sa sofa dito sa function hall. Paano kung pinagtripan lang nila ako? Hays! Di ko pa natanong kung saan yung mga gamit ko. Yung cellphone ko, kailangan ko yun! Kailangan ko matawagan sina Ariana at Selena. Mag-gagabi na kaya nag-alala na rin ako.
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanficIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction