Lunes na at kailangan ko rin gumising ng maaga kahit mamayang gabi pa ang pasok ko. Isasama daw kasi nila ako sa Shop at ipakilala na rin ni Selena yung manliligaw nya. Pasado alas-otso nang makarating kami sa Shop at doon ko nakita kung paano ngumiti si Manager Geordan nang makita nya si Ariana. Talaga namang inlab. Nagulat naman sya nang makita ako dahil nga mamayang gabi pa ang duty ko.
"Bakit nandito ka?" tanong nya sa'kin.
"Ikaw? Bakit nandito ka?" biro ko pero parang nag-iba yung aura nya, "Di joke lang sir. Ito naman di na mabiro." sabi ko sabay tawa.
Naiwan ako dito sa table sa may sulok na part, as always. Sina Ariana at Selena naman ay dumiretso na sa locker nila para ilagay ang mga gamit at makapagsimula na sa trabaho. Diko namalayan nakasunod pala si Manager Geordan sa'kin. Nang makaupo na sya ay tinanong ko kaagad. "Sir, pwede magtanong?" paghingi ko ng permiso.
"Nagtanong ka na ah." ay maalam din.
"I mean.. Pwede magtanong ng dalawang tanong?" nagmumukha na akong gaga HAHAHA.
"Pangalawang tanong na yan." owshii! Magaling to ah.
"Kulit mo sir! Okay fine, pwede magtanong ng apat na tanong?" tanong ko ulit.
"Pang-apat mo na yan." whaaat??
"Ha? Pangatlo palang ah. Ano yung pang-apat kong tanong?"
"Yan. Nagtanong ka ulit pang-apat na yan HAHAHHAHAAH." talagang tuwang-tuwa pa sya sa ginawa nya.
Pinanliitan ko naman sya ng mata at medyo kumunot ang noo ko. Malapit ko ng makalimutan na manager pala 'to. "Seryuso sir, kutusan kita dyan eh!"
"HAHAHAHA sige kutusan mo lagot ka kay Ariana." aniya at halatang kinikilig sa sinabi nya. Ganyan ba talaga kapag in love, nagiging cheesy?
"Ang cheesy ah. Pero ito nga ang tanong ko, kayo ba ni Ariana?"
"Yes. Bak--"
"Yes or no lang ang sagot. Ito pa tanong ko, bakit hindi mo pinaalam sa'kin na liligawan mo yang si Ariana? Di ko lang yan kaibigan, kapatid na turing ko dyan, minsan anak dahil naging isip bata yan minsan." sinermonan ko na ang manager. "Sir alam ko manager ka, pero ito ibang usapan na to eh. Jinowa mo kaibigan so may karapatan ako para pagsabihan ka."
"O-oo alam ko naman yun, pero.. Hindi ko alam eh na kailangan palang magpaalam muna sayo." natatawa ako dahil parang ako yung mas taas ang posisyon sa sitwasyon namin ngayon.
"May tiwala ako sa'yo sir. Pero kapag yan si Ariana umiyak, dahil sayo, ihanda mo na ang scrotum mo ah, pati vas deferens ihanda mo at hihilain ko lang naman iyan." pagbabanta ko at pansin kong napalunok sya ng laway ng ilang beses.
"Nakakatakot ka, Jenica. Pero trust me, kahit hindi mo ako pagsabihan ng ganyan hinding-hindi ko sasaktan at paiiyakin si Ariana. She deserves all my love." aniya at papikit-pikit pa.
"Cheesy mo talaga sir. Sige na balik ka na sa trabaho. Sorry sa mga nasabi ko pero tandaan mo yun."
Umalis na si Manager Geordan at ako na naman ang naiwan dito mag-isa. Nagsimula narin silang ma busy dahil dumadami na ang customer. At dahil na bored ako, umorder nalang ako ng Iced coffee at macarons. Kinain ko ito habang nag-scroll sa tiktak. Naaaliw ako sa mga videos kaya tawa ako ng tawa mag-isa. Mahinang tawa lang naman kaya di ako nagmukhang baliw. Scroll lang ako ng scroll hanggang nakita ko ang video ni Simon.
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanficIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction