5:30 palang ay gising na ako. Maaga kasi lakad namin ngayon kasama si Sir Sandro dahil may gift-giving na magaganap sa Orphanage. Ito may trabaho na ako. Tungkol naman sa review ko, na dropped ko na online at wala akong babayaran dahil isang linggo lang naman ako nakapasok.
Naligo na ako at nagbihis. Red polo shirt at black pants yung suot ko ngayon. Pinatuyo ko na ang buhok ko at saka sinuklay. As usual, pulbo at liptint lang nilagay ko sa mukha ko. Bente singko anyos na ako pero di parin ako mahilig sa make up. Marunong naman ako mag make-up dahil required dati no'ng nag-aaral pa ako ng Hospitality Management pero ayaw ko lang talaga. Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin ay maayos na at saka ako lumabas ng kwarto.
"You look more beautiful when you're wearing red." compliment ni Simon nang makita ako at saka ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.
"Bolero ka talaga, Simoning." sagot ko at pumasok na.
"Are you excited for your first day?" tanong nya at nagsimula ng mag maneho. May family driver naman sila pero ewan ko dito mas gusto nya talaga sya mag drive.
"Oo naman. Excited ako makita yung mga bata." sagot ko. "Noong OJT namin, pumunta kami sa bukid at doon ko nakita yung reyalidad. Kawawa sila hindi nakapag-aral kasi walang paaralan sa kanilang lugar. Kaya kapag ako yumaman, sila yung una kong puntahan. Hinding-hindi ko makakalimutan yung mga bata dun lalo na yun si Priya. Iyak sya ng iyak dahil aalis na daw ako. Grabe yung pasalamat nya sa'kin dahil marunong na daw sya sa alphabet at marunong na sya magsulat ng pangalan nya. Naiyak nga din ako no'ng paalis na yung team namin. Nangako ako sa kanila na babalik ako, kahit ako lang." kwento ko pa.
"They love you because you love them too." usal nya habang nakangiti. "So you love children?" tanong nya.
"I love children and I love helping. Kaya nag Social Work ako." at nginitian ko sya pabalik.
"You promise them na babalik ka, so uuwi ka sa Mindanao?" tanong nya.
"Oo, uuwi naman talaga ako kasi nandun yung pamilya ko." sagot ko. Nakita ko na nalungkot yung itsura nya, "Gusto mo sumama?" biro ko.
"Really? You want me to go with you?" masaya nyang tugon.
"Tinatanong nga kita. Pero joke lang naku wag mo ng subukan pagkakaguluhan ka doon." sabi ko.
"I wanna go with you. Please." ayan na naman yung puppy eyes nya at lumabas yung indian dimple. Kyuttttt.
"Ang cute mo talaga hindi tuloy ako maka tanggi." sagot ko at binaling na aking tingin sa labas.
"Yeees! See you Mindanao!" sigaw nya.
"Luh matagal pa ako uuwi. Mag-iipon muna ako dito."
"I can wait." saka sya ngumiti.
Nang makarating na kami sa Orphanage ay nakita kong nauna na pala sila Sir Sandro at mga kasamahan nya. Ang gwapo pala ni Sir Sandro kapag malapitan sobrang bait pa. Kitang-kita ko na mahal na mahal sya ng mga kakailyan.
"Hope is being able to see that there is light despite all of the darkness..." panimula nya sa kanyang speech. Nakikinig lang ako habang pinagmamasdan ang mga batang nakikinig din. Ito yung gusto ko sa trabahong 'to eh, yung makakatulong ka na nga, may matututunan ka pa. "Agyamanak unay, naimbag nga aldaw." at dun na natapos ang kanyang talumpati. Nagsipalakpakan naman ang mga tao. At nagsimula ng pinamigay ang mga regalo.
Tumulong ako sa pamimigay at nakakataba ng puso sa tuwing sila'y magpapasalamat. Nang matapos ang pamimigay ay umupo muna ako sa tabi at uminom ng tubig, nakakapagod din pero masaya. Pinagmasdan ko lang ang batang tuwang-tuwa sa natanggap nila. Ang swerte ko na pala sa kalagayan ko, kahit mahirap may mga magulang naman na nag-aaruga. Itong mga bata dito, maswerte parin kasi may kumupkop sa kanila pero iba parin talaga yung alaga at pagmamahal ng tunay na magulang. Maiiyak na yata ako nito eh.
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanfictionIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction