CHAPTER 33

384 28 8
                                    

"It's not what you think. We have to talk." lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa kamay.

"Wala pa naman akong sinasabi ah." poker lang ang mukha ko.

"I know what you're thinking." naglakad na siya at hinila ako papunta sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at saka ako pinapasok. Dali-dali naman siyang sumunod at nang masara na niya ang pinto ay agad akong niyakap. Nakakalito na. Parang mababaliw na ako kakaisip kung ano talaga ang nangyayari. "We have to talk about this." kumalas na siya sa pagkayakap at nagsimula nang magmaneho. I heard him sighed, "Maybe it's not the right time for us."

May namumuo nang mga luha sa mga mata ko at pinipigilan kong hindi tumulo. Parang sasabog na ako sa galit. Gano'n nalang 'yon? Not the right time for us? Bwesit na 'yan! Nakatingin lang ako sa labas buong biyahe. Huminto ang sasakyan nang makarating kami sa isang tahimik na lugar. Walang katao-tao. Maihahalintulad ko ito sa Kasalikasan Garden pero ibang lugar 'to. Una siyang bumaba at sumunod naman ako. Hindi ko na siya hinintay para pagbuksan ako ng pinto. Nauna ako sa kanyang maglakad at nagtungo sa mga malalaki at flat na bato sa ilalim ng puno ng mangga. Naalala ko elementary days ko together with my friends na naglalaro sa ilalim ng puno ng mangga. Sumunod naman si Simon at umupo sa tabi ko.

"I'm sorry if I made you confused these past few days." panimula niya.

"Hindi lang confused, Simon. Nasasaktan din ako." ani ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"I'm sorry."

"Sorry? Gano'n nalang ba 'yon? Sabihin mo naman sa 'kin ang dahilan kung bakit tayo naging ganito! Ilang beses na akong nagtanong sa'yo bakit hindi mo ako sasagutin?!" angil ko habang nagpipigil ng luha.

"I don't think it's the right time to tell you the --"

"So kailan pa?" basag na ang boses ko at sabay na tumulo ang luha, hinarap ko siya at tiningnan sa mga mata. "Kailan pa? Kailan mo pa sasabihin? Kailan pa ba 'yang right time na 'yan? Ngayon mo na sabihin! Halos mabaliw na ako kakaisip kung ano ang nagawa ko na maaaring dahilan kung bakit nangyari 'to pero wala akong maisip dahil wala naman talaga akong ginawang masama!" nakatungo lang siya at hindi umiimik, "O baka.. ikaw ang may ginawa." kumalma ako, "Wala sa 'kin ang problema eh baka na sa'yo. Tell me, sino 'yong babae kanina?"

"She's one of my employees and please don't get us wrong. Wala kaming something no'n."

"Sweet naman ng employee na 'yon. May pa kiss pa bago umalis. Nakakaselos kasi ang ganda at ang kinis niya. Halata rin na mayaman. Eh ako?" tumawa pa ako ng peke, "wala akong panama sa kanya. Sabihin mo lang sa 'kin kung ayaw mo na para formal tayong maghiwalay. Ayokong niloloko ako eh. Akala ko iba ka sa ex ko. Akala ko hindi mo ako magagawang saktan. Alam mo naman na may trauma ako sa cheating di ba? Pero ginawa mo parin. Sana pala hindi nalang ulit ako sumugal." ayoko na umiyak pero tulo parin ng tulo ang mga luha ko. "Nanahimik ako tapos ikaw 'tong makulit para lang makuha ang loob ko."

Nakatungo parin siya at kahit hindi niya pinakita ay alam kong umiiyak siya. Pasimple niyang pinunasan ang mga luha niya at inangat ang tingin para tingnan ako, "I can't believe that you're the one who's acting like that eh I am the victim here." angil niya na kinagulat ko, bukod sa pinagtaasan niya ako ng boses, bakit niya sinasabing siya ang biktima? "I know there's something between you and Jon! At first, I don't believe what they're saying because I trusted you but when they show me the evidences, I feel betrayed and I'm so disappointed with you." pulang-pula ang mukha niya pati leeg habang binibitawan ang mga katagang 'yon. Ramdam ko ang galit niya. Tumayo siya, naglakad at lumayo ng kaunti mula sa 'kin. Nakapameywang siyang nakatingin sa langit. "I thought you're the one. *sob*"

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon