Tahimik kami pareho dahil nasampal ko sya. Nakonsensya ako ng very light kasi pulang-pula yung pisngi nya. Eh kasi naman, ano akala nya porket ganyan sya at ganito lang ako pwede nya na akong halikan basta-basta? Never. Pasimple ko syang sinulyapan kaso nakatingin din pala sya sakin kaya iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya.
"Sorry na." he break the silence. Hindi parin ako umimik. Ewan ko kung galit ba ako o nahihiya hindi ko alam. "I said sorry." sabi nya sa pangalawang pagkakataon at naramdaman kong lumapit sya sakin.
"Pisti unsa man to?!" halos mabulol kong sigaw dahil sa gulat nang makaramdam ako ng malamig sa may batok ko.
"Hey it's my hand." nakakaintindi ba to ng bisaya?
"Bat ang lamig?" tanong ko habang pinapagpag ang buhok ko baka kasi higad yun or something. Takot ako sa mga insektong gumagapang.
"Chill. Kamay ko yun, okay?" pagkalma nya sakin dahil taranta parin ako.
"Eh bakit kasi ang lamig?" tanong ko at tumawa lang sya.
"I'm nervous. And.. ang sakit ng sampal mo.." nakatungo nyang sabi habang hawak-hawak yung pisngi nya.
"Ikaw kasi. Yabang masyado." mahina kong sabi. Bahala sya dyan. "Uuwi na ako mag-aalas singko na mali-late na ako." dito ko na nilakasan boses ko.
"Okay okay let's go." aniya at naglakad na.
Sumunod lang ako sa kanya habang sya naman palingon-lingon sakin kung sumusunod ba ako. Tahimik lang kami pareho sa byahe pero lagi ko syang nahuhuling panakaw-nakaw ng tingin sakin. Nahiya rin siguro sya sa ginawa nya. Pagdating namin sa apartment nagpaalam na ako at nagpasalamat saka ako pumasok. Pagpasok ko sa loob agad akong naligo at naghanda na para pumasok sa trabaho.
---------------------------------------------------
COFFEE SHOP
"Napadalas na pagpunta mo dito sa gabi sir ah." ani Jerson kay Simon, "Bagels ba ulit?" tanong nito.
"Yes, please. Ehe! May tatapusin lang ako." sagot naman nya.
"May tatapusin o may binabantayan? Yieee harot mo ah!" pang-aasar ni Jerson saka binigay ang bagels.
"You should stop that, Jers. Ehe! Sige thank you." saka sya umalis.
Nakikinig lang ako sa usapan nila at nagtitimpi kasi feeling ko talaga pinagti-tripan ako ng mga 'to eh. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Simon kanina sa Kasalikasan Garden at never akong maniniwala. Isang Marcos ba naman sasabihin yun sa isang tulad ko na hampas-lupa? Sino inuuto nya? Tsk!
Inis na inis akong pinunasan yung mga mug sa bar dahil sa mga iniisip ko. "Tangina mong mug ka kanina pa kita pinupunasan di ka natutuyo!"
"Hoy! Inaaway mo yung tasa?" tanong ni Jerson na kinalingon ko.
"Ikaw di ako natutuwa sayo. Umayos ka dyan." gigil ako. Sarap nila pag-untugin ni Simon dahil sa trip nila sakin.
"Ano naman pinuputok ng butchi mo dyan? Taray ah!" saka ako inirapan.
"Sino nagsabi sayo na pwede mo ipamigay yung number ko?"
"Girl? Simon Marcos ang nang hingi. Choosy ka pa?" aba at bakit naman hindi? Porket Marcos dapat bibigay na agad kahit trip lang?
"Manahimik ka, Jerson!" yun lang nasabi ko dahil nagpipigil ako.
"Fine!" aniya at umaksyon pang zini-zipper yung bibig nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/294705227-288-k272722.jpg)
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanfictionIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction