CHAPTER 28 VALENTINE'S DAY SPECIAL

496 29 4
                                    

"Agriing kan." (gumising kana) nagising ako nang may tumapik sa mukha ko. "Good morning." nanlaki ang mata ko sa gulat dahil mismong pagdilat ko ng mga mata, mukha agad ni Simon ang nakita ko.

"Kanina ka pa gising?"

"Yup." sagot nya at papikit-pikit pa sabay ngiti. Ang ganda naman ng bungad ng umaga ko.

"Bakit di ka pa bumangon?" bumangon na ako at inayos ko na ng lagay ang kumot.

"I just want to stare your angelic face. I can't get my eyes off of you." napapikit naman ako sa sinabi nya. Umagang umaga nambobola.

"Ang ganda na sana ng umaga ko eh, nambola ka pa." lumapit ako sa kanya at pinitik sya sa noo. "Bangon na!"

Bumangon naman sya agad. Kinuha ko na ang towel ko para maligo na, "Let's take a bath together." napalingon ako sa gawi nya nang sabihin nya yan.

"Gusto mo?"

"Of course!" kita sa mukha nya ang tuwa at excitement HAHAHA.

"Ako hindi." tinawanan ko lang sya dahil pikon yung hitsura nya, "Agdigos kan." (maligo kana) mando ko bago pumasok ng banyo para makaligo na. Kahit nasa loob na ako ng banyo ay rinig ko parin ang malakas na pagkasara ng pinto. Galit? HAHAHA.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na agad ako. Tinanong ko si Manang kung nakapagluto na ba sya ng agahan at sabi niya'y hindi pa daw kaya ako na nag-boluntaryong magluto. Bacon, scrambled eggs, hotdog at fried rice ang niluto ko. Narinig kong may pababa ng hagdan kaya tiningnan ko ito, it's Tita Liza. "Good morning, po."

"Good morning, Hanan." lumapit sya sa'kin at bumeso. "Did you cook all of that?"

"Opo, kain na po kayo. Mukhang maaga po lakad nyo ngayon." pansin ko kasing nakabihis na sya.

"Di ka na sana nag-abala pa. Ano, nakapag pahinga ka ba ng maayos? How's you feel? Are you feeling better now?" sunod-sunod nyang tanong at naghila na ng upuan para umupo.

"Opo, Tita. Okay na po yung pakiramdam ko. Salamat po." ani ko sabay ngiti.

"Sabayan mo na ako sa pag-kain. I'm sure tulog pa si Vinny at Simon. Let's eat na." kumuha na sya ng pinggan at sinalinan ito ng fried rice. Tahimik lang kami habang kumakain. Nahihiya akong magsalita dahil first time kong makasabay si Tita sa pag-kain na kami lang dalawa. "You know what, Iha.." basag nya sa katahimikan, ".. Simon's really a good boy. Sometimes makulit but sobrang bait nyan at tahimik lang din. We expected na sya ang huling magkaka-girlfriend but look, who has girlfriend right now?" bahagyang tumawa si Tita, "How he treat me is a pretty good indication of how he will treat you. And I know na alam mo na kung paano ako itrato ni Simon." ang ganda ng words of wisdom ni Tita. Alam ko kung gaano kamahal ni Simon ang mommy nya at naiintindihan ko yung sinabi ni Tita. "I can say it confidently to you, Hanan that you are so lucky to have my son." ang lutong ng pagkasabi ni Tita ng 'lucky to have my son.' "And I'm pretty sure he's so lucky to have you also."

"Salamat po, Tita at tinanggap nyo ako. Hindi ko po akalain na isang tulad ko lang--"

"Stop saying that, okay? You're more than enough, Iha." aniya at mahinang pinalo ang kanang braso ko, "Sorry I'm so madaldal. Let's continue eating hehe." tumawa lang ako dahil ang cute ni Tita at nagpatuloy na sa pag-kain.

------------------------------------------------------

"Hello mga bakla. Di muna ako makakauwi ngayon ha. Amping mga danghag." (ingat mga tangingot) kausap ko sina Selena at Ariana via VC.

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon