CHAPTER 14

425 32 7
                                    

Kakauwi lang namin galing sa gala. Pagkatapos namin kumain kanina ay nag-aya si Simon na mag road trip muna bago umuwi. Nakakamangha yung ganda ng Ilocos Norte grabe. Sobrang daming pwede ipagmalaki. Isa ito sa mga di'ko malilimutan na pangyayari sa buhay ko.

Alas 6 na ng hapon nang makauwi kami at dumiretso agad ako sa kwarto para maligo. Pagkatapos kong maligo ay bumaba agad ako at nakita ko yung katulong nila na nagluluto. Lumapit ako at nag boluntaryo na ako na magluto ng ulam para sa hapunan na siyang kinatuwa nito dahil marami pa daw syang gagawin. Natural na talaga sa'kin yung pagiging matulungin. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam kapag may nagpapasalamat sa akin. Nang maluto na ay hinanda ko na agad ang hapunan. Nakita ko naman si Vinny na pababa ng hagdan galing sa kwarto nya.

"Good evening, Sir Vincent." bati ko sa kanya.

"Diba I told you na, drop the Sir. Ano ba yan." reklamo pa nya. Tsk nakalimutan lang eh.

"Sorry naman nakalimutan ko." sagot ko at patuloy sa paghahanda sa mesa para hapunan. "Kain ka na. San si Simon? Si Ma'am Liza?" tanong ko para sabay-sabay ng kakain.

"I think Simon is sleeping. I knocked his door before ako bumaba pero walang sumasagot. Si mom naman di pa nakauwi." sagot ni Vinny at naghila na ng upuan para umupo.

"Ah okay. Napagod siguro yun. Si Sir Sandro nga pala, madalang ko lang syang makita dito, dito ba sya umuuwi?" taka kong tanong dahil simula nang nakarating ako rito ay di ko pa nakikita si Sir Sandro.

"Sometimes." sagot nya. "We live on our own actually. Pero kami ni Simon dito parin kami umuuwi, it's kinda boring when you live alone. Kuya Sandro naman, he's so busy because you know he's a congressman so he have to live on his own." ahh kaya pala di ko masyado nakikita si Sir Sandro.

"Busy sya so dapat may kasama sya sa bahay, diba?"

"May mga staff naman syang kasama dun. Sounds like you're concern, do you like kuya Sandro?" tanong nyang may halong pang-aasar. Aba!

"Hoy hindi. Ikaw talaga. Nagtatanong lang eh." depensa ko. Totoo naman. Hindi nga ako nagkagusto kay Simon na halos kasama ko na araw-araw kay Sandro pa kaya eh hindi ko pa yun na meet. Tsaka di dapat sila ginugusto dahil sobrang taas nila kumpara sa'kin. Isa yan sa mga dahilan ko kung bakit pinipigilan kong mahulog kay Simon. High-profile yung pamilya nila at di basta-basta tapos sa'kin lang mapupunta? Binabase ko lang sa reyalidad dahil napaka imposibleng mangyari. Kilala ko ang mga asawa at girlfriend ng mga pinsan nila halos pantay lang yung estado nila sa buhay kaya hindi ako naniniwalang papayag sila na ako ang maging girlfriend ni Simon. Like, sino ba ako? HAHAHA.

"Hmm.. or Kuya Simon?"

"Ang kulit mo! Gisingin mo na kaya Kuya mo para sabay na tayong kakain." utos ko. Taray ako pa nag-utos.

"I'm eating." saka sya sumubo. "It's rude kung iiwan mo yung food sa mesa so ikaw nalang gumising sa kanya." kainis! Di pa naman sya kumain kanina nung inutusan ko. Pasaway na bata ka talaga Vinny! Inirapan ko nalang sya at umakyat papuntang kwarto ni Simon para gisingin sya.

*knock knock*

"Simon nandyan ka ba? Baba ka na kakain na." sigaw ko mula sa labas ng pinto ng kwarto nya. "Si?" tawag ko ulit dahil wala paring sumasagot. Malalim na siguro tulog nun baka napagod kanina. Tumalikod nalang ako at aalis na sana nang marinig ko yung tunog ng doorknob at bumukas ang pinto. "Agay intawon! Jusmiyo marimar naunsa man ka?" sigaw ko sa gulat nang bigla nya akong hinatak papasok sa kwarto nya at agad na sinara ang pinto. Ano bang trip nito?

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon