CHAPTER 32

392 27 3
                                    

SELENA'S POV

"ARAAAY!!" sigaw ni Ariana. Napalakas yata ang pagsampal ko sakanya. Eh kasi nawawala si Nika 'di ko mahanap sa buong apartment.

"Nawawala si Nika! Alam mo ba kung saan nagpunta?" pasigaw kong tanong dahil mukhang natutulog pa ang kaluluwa niya.

"Kakagising ko lang, di ba? Malamang hindi ko alam." padabog siyang bumabangon, "Nasaan ba siya?"

"Tinatanong nga kita."

Minsan tinatanong ko talaga sarili ko kung bakit ko 'to naging kaibigan. 'Di talaga kami nagkakaintindihan nito, maybe once in a blue moon. Wala akong makukuhang sagot dito kaya lumabas na ako ng kwarto at naligo na. Pagkatapos ay nagluto, kumain at saka ako nagbihis ng medyo maayos na damit dahil bibili ako ng bagong cellphone. Hindi muna ako papasok ngayon dahil may stiff neck ako. Dagdag pa sa alalahanin 'tong si Nika na hindi ko alam kung saan nilagay ng kaluluwa niya, ni hindi ko man lang matawagan. Sabagay naiintindihan ko siya. Nililibang lang siguro niya ang sarili niya dahil ayaw niyang maapektuhan sa nangyayari sa kanila ni Mr. Simon niya. Sa dami-raming nagkakandarapa sa lalaking 'yon si Jenica Andres lang pala ang magwawagi. Pero ngayon parang ang gulo nila, ewan ko ba!

Nasa cellphone shop na ako at ang swerte ko dahil unang bungad palang, nakita ko na agad ang hinahanap kong cellphone na gusto ko at swak sa budget. Lumabas na ako ng mall at naglakad-lakad muna. Nakakabagot sa apartment kapag mag-isa, parang ang lungkot. Sakit ng leeg ko. Straight lang talaga ang tingin ko dahil kapag lilingon, parang mapupunit yung leeg ko sa sakit.

*psst* *wetweeew*

Kunot-noo kong nilingon yung nang catcall at.. shemaay! Nakalimutan kong may stiff neck nga pala ako kaya namilipit ako sa sakit, "bwesit na 'yon! Sana hindi masarap ulam nila." kibot ko.

Patuloy lang ako sa paglalakad habang nakahawak sa leeg dahil medyo masakit parin. Nasa BGC Hight Street na pala ako, hindi ko namalayan. Lakad lang kasi ako ng lakad. Napahinto naman ako sa paglalakad. Unang dahilan, red light. Pangalawa, nakita ko si Simon na papasok sa isang restaurant na may kasamang babae. Hindi si Nika 'yon dahil kilala ko ang kaibigan ko. Hindi rin naman siguro about sa business ang pag-uusapan nila dahil hindi naman prim and proper si girl na kasama niya, I mean masyadong revealing siya manamit. Ang alam ko kasi kapag business ang pag-uusapan dapat formal 'yong suot mo. So who's that girl? Tamang-tama green light na at tumawid na ako. Inayos ko ang facemask ko para hindi nila ako makilala. I have a plan. A brilliant plan.

Tiningnan ko muna mula dito sa labas kung saan sila naka-pwesto and shoot.. traget locked. Pumasok akong nakatungo at medyo tinabon ng buhok ko ang aking mukha. Pumwesto ako sa table na malapit kay Simon pero sa likod niya banda para hindi ako makita. Makikinig lang ako sa usapan nila pero bakit ang tahimik? Hindi sila nag-uusap. Nagulat nalang ako nang biglang lumapit ang waiter at inabutan ako ng menu. Ngumiti lang ako at kinuha ko naman. Tiningnan ko ito at sa presyo pa lang nakakawalang-gana nang kumain. Hindi ba pwedeng tatambay lang dito? Dapat talaga may oorderin? Ano ba yan! Tiningnan ko ang waiter at tumingin din siya sa 'kin na parang sinasabing, 'may order ka na ma'am?'. Ngumiti nalang ako ng plastic at kunwari namimili pa sa menu. Wala akong planong bumili dito dahil ang mahal. Gusto ko ng umalis but how? Parang mapahiya naman ako kung basta-basta nalang aalis. Oh okay.. May naisip na naman ako. Nag-set ako ng alarm sa phone ko. The time now is 10:13 AM at 10:14 'yong na-set kong alarm. After one minute tumunog ang phone ko, syempre alarm 'yon but.. nagpapanggap akong may tumatawag.

"Hello?.. Oh andyan ka pala? Ay so diyan nalang tayo mag lunch?.. okay okay see you there. Bye." binaba ko na ang telepono at tumayo, "Sorry, nasa kabilang resto pala 'yong ka meet up ko. Pasensya na ha." hinging paumanhin ko sa waiter at inabot ko na sa kanya ang menu. Matalino ka girl. Pag-alis ko sa table bumangga pa 'yong tuhod ko sa upuan ni Simon, "Sorry." ani ko nang hindi lumilingon. Sakit no'n ah.

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon