Ariana's POV
"Naging bitter ka simula nung niloko at iniwan ka ng Jon na yun. Di ka naman ganyan dati." nakanguso kong sabi sakanya. Talaga naman tong si Jenica napaka bitter. Pinaglihi ata sa ampalaya.
"Ariana shut up. Wala ka na sa topic e. Let's go Nika, yaan mo yang Ariana dyan." Aba at kinampihan pa ni Selena at iniwan nga ako.
Hinila ni Selena si Jenica palayo sakin at hinayaan ko nalang. Affected pa kaya si Jenica sa break up nila ni Jon? That was 2 years ago siguro naman naka move on na sya.
At dahil nga iniwan ako ng dalawa, umupo nalang ako sa gilid at naghihintay na babalik sila. Maya-maya ay may humintong Van sa tapat ko at iniluwa nito si....
"Vinny?!!" o_o
Nanlaki mata ko nang makita kong si Vinny yung lumabas mula sa Van. Kung sinuswerte ka nga naman. Malas yung dalawa at di nila naabutan. By the way, Vinny is the youngest son of BBM. The pinaka cute, charming, bungisngis and bias wrecker. "Vinny!!! Pa picture naman! Taga Mindanao ako at pumunta talaga ako dito para lang makita ka!" sigaw ko sa tuwa nang makita ko sya. I just can't believe this is happening.
"Aww thank you.." he response to me and then nag smile for the selfie. Ang cuuute. "But that's unbelievable HAHAHAH hindi naman ako gold para bumyahe ka pa ng kalayo-layo from Mindanao to here, just for me?" turo sa sarili nya, "I don't think so. Ahihihi"
At ang kulit pa ah.
"Okay fine. Pero ang cute mo. Para kang baby."
"Your baby. Ahihihihi" bungisngis nyang tawa.
Inalalayan na sya ng body guards papasok sa coffee shop. So I am right. Dito nga sa coffee shop na papasukan namin sila magkakape. Excited na ako for tomorrow. Bukas kasi start ng duty namin. Yay! May selfie pa kami. May ipagyayabang na ako sa mga kaibigan kong bitter! Iniwan man nila ako, okay lang, nakita ko naman isa sa mga Marcos brothers.
"Yey ang saya koooo!"
"Te, boss po natin yun." sabi sakin nung kaka-out lang sa duty na barista.
"You mean, si Vinny?" pagtataka kong tanong.
"Yes. Marcos may-ari nitong coffee shop na to at ngayon din yung opening ng isa pa nilang coffee shop dun malapit sa Uptown Mall." paliwanag nito.
"Ah talaga ba? Wait..." di pa nag sink in sa utak ko yung sinasabi nya, and later on... "Waaaaahhh!! Talaga?!! Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo?! Kapag yan fake news tatamaan ka sakin?!"
"Luh ang brutal mo! Totoo nga."
"Kaya pala nakatayo ka lang dyan kanina at di ka man lang nagpa-picture sa kanya."
"Oo. Kasi nga halos araw-araw na namin silang nakikita."
So totoo nga! Talaga naman napaka swerte ko. Ay namin pala. Buti nalang talaga at lumuwas kami ng Manila kung hindi naku, hanggang sana all nalang sa mga nakakapagpa-picture sa kanila. Ngayon, di lang namin sila makikita, makakausap pa dahil boss namin sila. Ohh so lucky us!
Dahil sobrang saya ko ngayon, nilakad ko lang from coffee shop papuntang apartment namin at di ko na hinintay mga loka kong kaibigan. May picture kami ni Vinny mga gaga bleeeh!
Jenica's POV
Nanatili parin ako sa kinatatayuan ko. Ang gwapo pala talaga ng Simon Marcos. Diko masyado nakita mukha nya kasi madilim at naka face mask pa. Nagmadali din silang pumunta dun sa may party pero tindig nya palang gwapo talaga. Pero hello? Never ako magsi-simp sa lalaking yan at kung sino pa man. Gwapo o pangit pareho lang yang mapanakit.
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanfictionIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction