CHAPTER 48

430 26 10
                                    

Kinakabahan ako grabe ang lakas ng kabog ng puso ko ngayon. Inaayusan na ako because today is our special day. Yes, kasal na namin. Nakakakaba pala talaga. Pagkatapos kong ayusan ay tiningnan ko ang sarili sa salamin, masama ang magsinungaling kaya I admit maganda talaga ako, eme.

Kasama ko dito sa kwarto si Mama, Mommy, mga kapatid ko at ang dalawa kong kaibigan. Naguguluhan pa ako kung sino kina Selena at Ariana ang gagawing maid of honor since hindi pwede ang ate ko dahil may asawa na kaya nag jack 'en poy nalang silang dalawa at si Selena ang nanalo. Bridesmaid nalang 'tong isa. Sabay-sabay na kaming inayusan dahil pagkatapos nito ay panandaliang pictorial muna bago kami pupunta sa simbahan. Gosh kinakabahan na naman ako.

"Ka gwapa sa akong anak oy." (Ang ganda ng anak ko.) biglang sabi ni Mama habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin.

"Ay, liwat nimo, Ma." (Mana sa'yo, Ma.) ani ko sabay tawa.

"You look so alluring, Iha. My son's so lucky to have you." sabi naman ni Mommy.

"Naku, salamat Mom. We're both lucky to have each other po." ngumiti lang siya at tinap ako sa likod. Kinuha niya ang phone niya and then we took some selfies kasama si Mama. 'Yung ibang girls busy pa sa pag-aayos ng sarili nila.

Pagkatapos ng lahat ay lumabas na kami ng bahay at doon lang sa garden nila gaganapin ang pictorial. Pakiramdam ko talaga ang ganda ko ngayon. Alam kong maganda kaming lahat pero dapat ako ang pinakamaganda ngayon, kahit ngayon lang.

Nag-aantay na ang bridal car sa labas kaya lumabas na ako. Inalalayan ng mga bridesmaid ang gown ko at si Selena naman ay nakahawak sa braso ko hanggang sa makapasok na ako sa loob ng sasakyan.

"Oh, salamat sa paghatid, pwede na akayong umalis." taboy ni Selena sa mga bridesmaid dahil sa ibang sasakyan sila sasakay at si Selena lang ang kasama ko dito sa bridal car. "Are you nervous?"

Pansin niya sigurong kinakabahan ako, "Medyo. Nakakakaba naman talaga eh." sagot ko habang pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Huwag kang kabahan. Relax. Hindi ka naman papatayin do'n, 'no?" pagpapakalma niya.

"Natatakot ako baka mabulol ako sa vow."

"Iyan talaga ang binabahala mo? HAHAHA kahit kailan shunga ka talaga." tawa siya ng tawa, "Eh kung mabulol ka, edi tatawa kami. HAHAHA! Gano'n lang 'yun kalmahan mo."

"Okay.. okay.." kinakalma ko na ang aking sarili.

"Kuya tara na po." mando ni Selena sa driver at sinimulan na nitong magmaneho.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating na kami sa tapat ng Paoay Church. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang papasok na ito.

"The bride is here, isarado na ang pinto." sigaw ng organizer kaya narinig ko.

Naging double 'yung kaba ko ngayon sa kaba ko kanina. Normal lang naman siguro 'to. Unang bumaba si Selena at inalalayan naman akong makababa. Iginiya ako ng organizer sa pagpunta sa tapat ng pintuan. "Normal lang naman po kabahan 'di po ba?" tanong ko sa organizer.

"Yeah it's normal. Halos lahat ng brides ko kakabahan talaga but hindi naman dapat. Relax, ang ganda mo." aniya at inayos ang veil ko. "Tungo ka lang ha, then when you hear the 'ting' slowly up your head as the door opens, okay?"

"Copy po." sagot ko at tumango-tango. Sinunod ko ang sinabi niya, tumungo ako at nang marinig ko na ang tunog ng bell ay dahan-dahan kong inangat ang ulo ko kasabay sa dahan-dahang pagbukas ng pinto. I'm so nervous pero pinilit ko paring ngumiti.

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon