CHAPTER 44

397 29 6
                                    

May usapan na kaming oras no'ng buyer ng bahay, 3 o'clock daw ng hapon. Na-miss ko rin 'yung bahay na 'yun dahil doon na ako lumaki at ilang taon ko na rin 'yung hindi nakikita at napupuntahan kaya nagplano kami ni Simon na pumunta 1 hour earlier sa napag-usapang oras namin no'ng buyer.

Nasa labas na kami ng bahay at nakasunod lang 'yung guards ni Simon. Kahit alam kong safe naman itong lugar namin dahil hindi matao pero kailangan parin talagang may kasamang guard itong anak ng Presidente. Pinagmamasdan ko ito mula dito at gusto ko sana mag-drama, 'yung parang maiiyak ka habang pinagmamasdan ang bahay na saksi sa paglalaro mo noong bata ka pa, pagpalo ng nanay mo gamit ang sanga ng bayabas at paglaki mo pero ayaw talaga ng kaluluwa ko na mag-drama, na-c'cringe ako. "Pasok tayo dali."

Hinila ko na si Simon papasok sa loob. Medyo maalikabok na talaga siya pero matibay parin ang mga kahoy na ginamit dito. Makaluma ang disenyo nito kaya siguro nagustuhan no'ng mayaman na Spanish. Sana naman nakakaintindi 'yun ng tagalog kung hindi, mapapalaban talaga ako.

"Mind to share some good and bad memories of yours dito sa bahay na 'to?" aniya nang makapasok na kami.

Lumapit ako sa lumang aparador na bigay pa ng ninong ko sa binyag, "Itong aparador na 'to, bigay ito ng ninong ko. Lumang-luma na pero matibay parin. Kwento pa niya, galing pa daw 'to sa Lolo niya na sundalo noong WWII kaya minsan natatakot kaming magkapatid na magpa-iwan dito sa bahay na mag-isa dahil baka may multo dito sa loob ng aparador." kwento ko at interesado naman siyang nakikinig. Pinili naming iwan itong aparador dito dahil bilin ng ninong ko no'ng nabubuhay pa siya ay huwag daw namin itong dalhin sa ibang lugar at huwag din pinturahan. "Minsan ginagawa rin namin itong taguan kapag naglalaro kami ng hide and seek. Hindi bale nang mapalo ng Mama dahil nagugusot 'yung mga tinupi niyang damit basta makapaglaro lang."

"Amazing childhood." tumawa siya, "Ilang beses ka na napalo ni Tita?" usyuso niya.

"Naku! Hindi ko maalala sa daming beses na. Tahimik lang kasi ako kahit pa noong bata ako pero kapag nasa mood naman, mas makulit pa ako sa mga kapatid ko. 'Yung minsan lang kukulit pero kapag nasa mood magkulit todo-todo naman na halos sasabog na itong buong bahay kaya napapalo talaga." naglakad ako patungong kwarto ko na ngayo'y maaliwalas na dahil wala nang mga gamit. "Ito naman 'yung kwarto ko at..." napatigil ako nang makita ko ang picture namin ni Jon na nakadikit pa sa wall. "...iw! Bakit nandito pa 'to?" nilapitan ko iyon at tinanggal sa pagkadikit. Tiningnan ko si Simon at naka poker face lang siya.

"How sweet..." aniya.

"Sweet mo mukha mo! Baka nagseselos ka ha dati pa 'to hindi pa tayo magkakilala. Simula no'ng lumuwas ako nang Manila ngayon lang ako nakabalik dito." pinunit ko ang picture at tinapon lang sa tabi.

"Come here." hinigit niya ako at pinaharap sa kanya, "Let me kiss you." hinalikan niya ako sa labi.

"Para saan 'yun?"

"Para naman may moment tayo dito sa kwarto mo for the first and last time." he said and kissed me again.

Before it went deeper ay humiwalay na ako, "Maalikabok, allergic ako sa alikabok eh." lumabas ako ng kwarto at nagtungo naman sa kusina. "Dito ako palaging nagluluto, mahilig akong magluto ng kung ano-ano kaya--" napatigil nalang ako nang paglingon ko sa likod ay wala palang Simon na nakasunod. Pambihirang bata 'to!

Bumalik ako sa kwarto pero wala siya. Pagtingin ko sa sala, nando'n pala siya habang tiningnan ang loob ng aparador. "Oh fuck!" napamura siya nang makita ako pagtalikod niya.

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon