CHAPTER 50

563 26 10
                                    

"SIMOOOOON!!!" sigaw ko at dali-dali naman syang umakyat ng hagdan papunta sa kwarto namin. Nagkalat kasi sa sahig ang damit niya at hindi man lang nilagay sa laundry basket. Pinaka ayoko sa lahat 'yung makalat na bahay, basta ayoko. Niligpit niya ito habang sinesermonan ko siya. Araw-araw akong naglilinis ng bahay kahit may katulong naman kami. Ayoko kasing tumunganga. Minsan pumupunta ako sa Cafe ko sa QC para kamustahin sila doon at sa awa ng Diyos ay maayos naman ang lahat. Kapag nandito naman ako sa bahay ay lagi akong bored kaya ang ginagawa ko ay hahalungkatin ko araw-araw ang bookshelf at lilinisin ang mga iyon.

Nagbabasa ako ngayon ng libro ng bigla akong makaramdam ng gutom. Nilapitan ko si Simon na busy sa laptop niya dahil work from home siya this week. Pinatong ko ang aking baba sa balikat niya. "What do you want?" Alam na talaga niyang may kailangan ako kapag dumidikit na ako sa kanya.

"Nagutom ako bigla eh. Can you get me some food to eat?" nakanguso pa ako.

"Sure. What do you like to eat?"

Tumingin pa ako sa itaas para mag-isip kung anong gustong kainin, "Ahh.. cucumber. 'Yung fresh ha."

"Kaya pala ang dali lang maubos ng cucumber ha ikaw pala kumakain. Wait here." tumayo na siya para kukuha ng pipino at bago pa siya makalabas ay tinawag ko siya ulit, "What?"

"May honey pa ba?"

"Yeah, why?"

"Magdala ka rin. Cucumber at honey, bilis!" kumunot pa ang noo niya at napakamot ng ulo bago umalis. Tinapos ko na ang isang chapter ng nobelang binasa ko at tinabi muna ito. Tagal naman ng lalaking 'yun. Bago pa umusok ang ilong ko sa inis ay dumating na siya bitbit ang malaking bowl at isang boteng pulot. "Bakit ang tagal mo?"

"I peeled it off." nilapag na niya sa harap ko ang malaking bowl na may lamang sliced cucumber at may dalawang buo pa.

Bumalik na siya sa trabaho niya habang ini-enjoy ko ang pagkain. Sounds weird pero ang sarap pala ng pipino together with honey. "Gusto mo?"

"Eww..." sagot niya nang hindi tumitingin sa 'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay dahil nainis ako sa sinabi niya, "Anong eww? Pinadidirihan mo ba itong kinakain ko?"

"No no.. Of course not. What I mean is, that's weird combination. Something like, parang naglilihi ka."

Nasamid ako dahil sa sinabi niya, "Bakit naman maglilihi, buntis ba ako?"

"Who knows." aniya at nag kibit-balikat pa. "Pa check-up tayo later after this, okay? Ang sungit mo lately and 'yang mga kinakain mo so weird."

Inirapan ko lang siya. Buti pa siya naghinalang buntis ako eh ako nga wala akong nararamdamang bago sa katawan ko or any sign na buntis talaga. Tss!

*knock knock*

"Pasok po." sigaw ko nang may marinig akong katok.

"Si Ma'am Liza po nasa baba." ani Manang at umalis na rin kaagad.

Bumaba kami ni Simon dahil nandito daw si Mommy. Pagbaba namin ay nakita namin siyang nakaupo sa living room. "Hi Mom." bati ko at bumeso.

"Hello Hija, hello son. I'm not so busy today kaya naisipan kong dalawin kayo. How are you two?"

"We're fine, Mom." sagot ni Simon na hanggang dito bitbit parin ang laptop niya, "How 'bout you?"

"Yeah I'm fine too. What happened to your cheek?"

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon