"Wear this. Kesa naman uuwi kang basa. Baka kabagin ka pa." nagtatalo kami dahil ayaw kong isuot yung short nya. Ang laki kasi mukha akong bagong tuli.
"Kasalanan mo to eh!" maktol ko. "Ayaw kong suotin yan. Okay na tong T-shirt mo. Akin nalang yang towel." saka ko kinuha yung towel nya at pinulupot ko sa bewang ko para di mabasa yung upuan ng sasakyan nya. Inirapan na naman nya ako dahil ako na naman ang nasusunod. Sino ba naman kasi gustong magsuot ng short tapos wala kang undies. Tiisin ko nalang tong basa kong short kahit ang lamig. Nag cellphone lang ako habang pauwi kami dahil wala ako sa mood para makipag-usap.
"Ikaw ah.. You always do the first move." basag nya sa katahimikan.
"Tumigil ka dyan. Para namang di mo ginusto." mataray kong tugon.
"Did I say that I don't like it? I like it. I love it and I want more." kaloka! Tumatayo balahibo ko sa pinagsasabi nya.
"Kiss my ass." simple kong sagot habang nakatingin lang sa cellphone ko.
"Later." sagot nya na kinagulat ko. What the hell!
"Sira!"
Pagdating namin sa bahay nila, nakita ko agad si Jon sa veranda. Kailan ba to aalis? Nag fist bump lang sila ni Simon at agad naman kaming pumasok. Di ko sya pinansin. Bahala syang mag-isip kung ano meron sa'min ni Simon. Dumiretso na ako sa kwarto para maligo at makapag bihis na rin. Nang matapos ay bumaba na ako at nakita ko si Vinny sa sala habang may ginagawa na naman sa laptop nya. Gusto ko to kausap minsan kasi madaldal at ayaw ko rin minsan kasi sobra na sa pagka madaldal.
"Hi, Vinny." bati ko at umupo ako sa tabi nya, "saan yung oven nyo?" tanong ko. Nag post kasi ako kahapon na tumatanggap ako ng order na cake, Laoag City area lang at may nag comment naman na o-order daw. Di naman makapal ang mukha ko na dito pa ako sa bahay nina Tita Liza gagawa dahil pinaalam ko na to sa kanya at wala naman daw problema.
"Maybe it's in the bathroom." pinanliitan ko sya ng mata sa sagot nya. Late ko na din na realize na ang tanga ng tanong ko. Malamang nasa kitchen yung oven.
"Okay. Titingnan ko sa bathroom, Vinny!" diko alam pero di talaga ako naaasar dito kay Vinny kahit pilyo to minsan. Natutuwa pa ako.
"HAHAHAHAHA! Sorry ate." aalis na sana ako nang tawagin nya akong ate na dahilan ng muli kong paglingon.
"Wag mo kong ma ate-ate Vincent ha magka edad lang tayo." asik ko. Tawagin ba naman akong ate eh baby face nga ako eh.
"I'm turning 25 this May and I'm sure you're turning 27 this year." usal nya nang di tumitingin sa'kin at nagpatuloy lang sa ginagawa nya sa laptop nya.
"Di ka sure! Mag 25 palang din ako this June. So sinong mas matanda sa atin? Ha, Kuya Vinny. HAHAHAHA." pang-aasar ko. Mas matanda pa pala sya lakas ng loob tawagin akong ate.
"Really? Are you sure?" tiningnan nya ako at di makapaniwala yung itsura nya.
"Sure ako sa edad ko. Sana ikaw din." taas-kilay kong saad.
"You're too young for Kuya Simon." usal nya at bumalik sa ginagawa nya. Alam nya kaya ang tungkol sa'min ni Simon?
"Anong I'm too young for your Kuya Simon? Bakit? I mean.. B-bakit mo nasabi yan?" patay malisya kong tanong.
"I wasn't born yesterday, Nika. I know what's between you and Kuya Simon." nakatuon lang sya sa laptop nya habang nagsasalita.
Medyo kinabahan ako. Pero bakit naman ako kakabahan? "Weh? Sure ka alam mo? Sige nga, anong namamagitan sa'min ng Kuya Simon mo?"
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanfictionIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction