CHAPTER 30

373 26 3
                                    

"See how Simon treats that trash. Is that how to treat a GIRLFRIEND? Na-ah! So it's clear that she's just a SELF-PROCLAIMED GIRLFRIEND!" sigaw ng isa pang customer na babae. "FAKE NEWS GUYS! Tama ako, hindi papatol si Simon sa kagaya n'ya. We're just wasting our time, umuwi na tayo."

"It's not a waste of time at all. At least nalaman natin na FAKE girlfriend lang pala 'yan." asik naman ng isa at diniinan yung 'fake' at nagsilabasan na sila. Marahil kaya nasabi nila 'yon ay dahil sa inasal sa 'kin ni Simon kanina. Kaya ba gano'n nya ako tratuhin kanina dahil alam na n'ya 'yong issue and he just want to protect me from his fans? Sana nga gano'n.

Pumunta muna ako sa restroom para ayusin ang sarili. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at mugto na naman ang mga mata ko. Nakakatakot pala 'tong buhay na pinasok ko. Lumabas na ako at ilang hakbang lang ay nakita ko si Manager Geordan na naka cross arms. "Let's talk. Follow me." mando nya at nauna nang maglakad. Sinundan ko lang sya hanggang sa makarating kami sa office nya, "Have a seat." umupo naman ako at saka n'ya ako kinausap, "Is it true?"

"Ang alin po, Sir?" magalang parin ako sakanya kahit alam kong girlfriend nya ang best friend ko. Manager parin s'ya.

"Na kayo ni Sir Simon?"

Napatungo ako bago sumagot, "Ah, opo."

"Eh 'yong niloko mo s'ya?"

"'Yan po ang hindi totoo. Hindi ko talaga alam kung anong trip sa buhay ng nagpakalat ng tsismis na 'yan eh. Ang kapal naman ng mukha ko kung lolokohin ko si Simon eh ang bait no'n."

"Oh.. Okay. So, my concern is ahm.." inayos nya muna ang kwelyo ng polo shirt nya and he clears his throat bago nagpatuloy, "Hindi mo dapat ginawa 'yon sa customer dahil mag-rereflect ito sa image ng Coffee shop. I understand kung bakit mo nagawa 'yon but next time, please control your temper because you're wearing your uniform." aniya sa mahinahon na boses.

Nakatungo parin ako. Alam kong mali 'yong ginawa ko kaya 'di na ako nakaimik at tumango na lang. Natatakot ako baka makarating 'to kina Tita Liza at President Bong.

Para akong walang ulong naglalakad pabalik sa bar. Sinalubong naman ako ni Jerson ng tapik sa balikat na animo'y sinasabing 'ayos lang 'yan'. Sa awa ng Diyos ay nagawa ko parin ng maayos ang aking trabaho sa kabila ng mga nangyayari.

2:30 am na at tapos na ang oras ko sa trabaho. Nagtungo ako sa locker at kinuha ko na ang gamit ko para makauwi na. Nakukumpara ko ang buhay ko noon sa buhay ko ngayon. Noon, sa ganitong oras ay tatambay pa ako dito sa shop at hihintayin ang pagsikat ng araw bago umuwi at ang lahat ay maayos naman ngunit ngayon ay parang hindi na ako malaya. Nagsisisi ba ako na naging boyfriend ko si Simon? Speaking of Simon, bakit bigla syang nawala? Nandito siya kanina at di ko naman siya nakitang umalis bakit biglang nawala? Naglalakad na ako palabas ng shop nang makita ko si Jerson na nakaupo sa table malapit sa exit. "Di ka pa uuwi?"

"Hindi pa, Niks. May tatapusin pa ako eh. Ingat ka nalang." sagot nya at nag-wave na ng kamay as a sign of 'goodbye'.

"Ah sige. Bye."

Lumabas na ako at naghintay na may dadaang taxi para makauwi na. Sa paghihintay ko ay may humintong sasakyan sa harap ko na hindi pamilyar sa 'kin. Napaatras naman ako dahil baka masamang tao 'to. Bumukas ang bintana at nasilayan ko ang mukha ni Jon. Lumayo ako mula sa sasakyan ngunit sinusundan n'ya ako.

"Pasok. Ihahatid na kita." pag-boluntaryo n'ya.

"Huwag ka nang umasa na sasakay ako d'yan. Mas mabuti pang umalis ka na." usal ko. Saan na ba kasi 'tong mga taxi. Kung kailan kailangan saka pa wala.

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon