CHAPTER 7

473 36 12
                                    

*dingdong!!*

Nagising ako nang makarinig ako ng may nag doorbell at automatic na napabangon nang mapansin kong nasa ibang bahay ako. Nasa condo pala ako ni sir Simon. Tatayo na sana ako para tingnan kung sino ang nag doorbell pero napaupo ulit ako dahil ang sakit ng ulo ko, "Di naman ako nalasing kagabi bat sumasakit kang ulo ka? OA mo!" pagmamaktol ko at tumayo rin ako agad.

Naglalakad na ako palabas at binuksan ko ang pinto, "Oy sir Vincent! Ang aga mo ata." bungad ko kay sir Vincent nang makita ko na sya. Ang cool nya tingnan sa blue polo shirt at khaki pants.

"Yeah, diba I told you na last night na dadaan ako dito morning? Bakit, na disturbo ko ba kayo?" sabi nya na parang nang-aasar at sumilip-silip pa sa loob. Pambihira talaga tong si sir Vincent -_-

"Anong na disturbo?" tiningnan ko ang relo ko, "5:43 palang kasi ng umaga at ang sakit pa ng ulo ko." sagot ko.

"Oh kasi we have to travel early. Oh ito," inabot nya sakin ang sobre, "thanks for taking care of my hardheaded brokenhearted brother. Ikaw na muna bahala dyan ah. I have to go!" at saka nagmamadaling umalis.

Sinara ko na ang pinto at bumalik sa sofa. Binuksan ko ang sobre at tiningnan kung magkano. "Woah!"

Tanging 'woah' lang ang comment ko sa binigay nya. Big time talaga tong mga to! Mabuti at nalasing to si sir Simon HAHAHA. May maganda rin palang naidulot. Nilagay ko na sa loob ng sling bag ko yung sobre at saka ako naghanap ng herbal oil sa kwarto ni sir Simon. Mamasahiin ko lang yung ulo ko kasi ang sakit kaso wala akong nakita. Tsk! Napag-isipan ko nalang na magluto ng sabaw para may mahigop tong si sir Simon pag gising nya. I'm sure may hangover to.

Agad akong tumungo sa kusina para maghanap ng kung anong pwede lutuin. Balak ko sana lutuin ay sinanglaw kaso kulang yung ingredients kaya chicken noodle soup nalang. Very effective to pampawala ng hangover at kumpleto din yung ingredients kaya ito nalang lulutuin ko.

"Hey who are you?!"

"Pisti!" ayan! Gulat na gulat na naman ako. Gulat din siguro si sir kasi di nya naman alam na dito ako natulog at binilin sya sakin ng kapatid nya. Nakatalikod kasi ako kaya di nya ako nakilala. Humarap ako sa kanya at nakita ko syang may hawak na rolling pin, "Hala sir kalma! Ako lang to." sabi ko sabay taas saking dalawang kamay na parang sumusuko.

"Oh sorry! What are you doing here?" nagtatakang tanong nya. Napansin ko rin na naka shorts na syang pambahay. Naiinitan nga siguro sa pantalon nya. Di kaya sya nagtaka kung sino nagbihis sa kanya?

"Di nyo po ba naalala? Nalasing ka kagabi at binilin ka sakin ni sir Vincent. Wag kang mag-alala mabait ako, hindi ako magnanakaw and I am trustworthy." sabay ngisi sa kanya.

"Huh? I mean, nalasing pala ako?" ay di nya alam?

"Oo sir, nalasing ka kasi uminom ka ng maraming beer. Uminom ka ng maraming beer kasi..." huminto ako saglit, "ipagpapatuloy ko po ba?"

"Ehe! Don't you dare.." napakamot naman sya sa batok nya, "San ka natulog?" tanong nya.

"Sa sofa ako natulog sir, wag kang mag-alala di ako pervert." sabi ko at pinagpatuloy ang aking pagluluto, "upo po muna kayo, malapit na tong maluto."

"No! Diko naman inisip yan. Ahh.. I mean wala kang blanket. Malamig." saka sya umupo.

"Malamig nga sir at sobrang lamig din ng aircon nyo di ako sanay. Yung aircon kasi sa apartment na tinutuluyan ko di masyadong malamig eh." pagkwento ko.

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon