CHAPTER 11

475 30 4
                                    

Nasa may highway ako at nag-aabang ng taxi para pumasok na sa review. Andaming nadaan pero puro may sakay na kaya medyo matagal-tagal akong naghintay. Mabuti at inagahan ko kaya kahit medyo matagal-tagal makasakay eh hindi pa ako late.

*ting!*

1 message received from Simoning

'susunduin na kita, Hanan.'

I rolled my eyes nang mabasa ko yung 'Hanan'. Naiirita talaga ako sa pangalan ko masyadong pambabae. Dapat Alex or Georgia yung pangalan ko para naman bumagay sakin. Tss!

Tumabi nalang muna ako para hintayin si Simon at maya-maya pa ay dumating na sya. Sumakay ako at hinatid na nya ako sa Review Center. Araw-araw na nyang ginagawa yun dahil paninindigan daw nya yung sinabi nya na araw-araw nyang ipakita sa'kin na totoo yung sinasabi nya. Halos gabi-gabi na rin syang tatambay sa coffee shop nila at ihahatid ako pauwi kung saan tinatanggihan ko dahil ayokong may lalabas na issue pero mapilit sya. Wala daw syang pakialam sa mga taong gagawa ng issue. Mag-iisang linggo na nyang ginagawa sa akin yun at consistent sya. Pero wala parin talagang epekto sa'kin. Bato na nga ata 'tong puso ko pagdating sa pag-ibig. Hindi ako kinikilig sa mga ginagawa nya sa halip ay na kokornihan ako. Taray no? Hindi ako kinikilig sa isang Simon Marcos na pinapangarap ng karamihan?

Sabado ngayon at wala akong pasok sa Review and so as sa trabaho. Alas otso na ng umaga nang magising ako. Bumangon ako at naghilamos muna bago pumunta sa kusina. Since wala akong lakad ngayong araw naisipan kong mag-bake nalang ng Moist chocolate cake. Nagsimula na akong mag mise en place ng mga ingredients at na preheat ko na din ang oven. Nang matapos na ang mixture ay nilagay ko na ito sa loob at nag set ng timer. Habang hinihintay kong maluto ay gumawa muna ako ng frosting.

"What's that smell? Oh sorry I didn't mean to spooked you. Ehe!" ani Simon pagpasok nya sa kusina at napakamot ng batok while saying sorry nang mapansin nyang nagulat ako. Nakakagulat naman talaga.

"Bat bigla ka nalang pumasok? Di uso kumatok?" saka ko sya tinaasan ng kilay pero ngumisi lang sya at nag kibit-balikat.

Lumapit sya sakin para tingnan yung niluluto kong frosting, "Is that a chocolate?" tanong nya at tumango lang ako.

"Ohh I think that's yummy." aniya at umasta pang natatakam.

"Of course! Kumakain ka ba ng cake?" tanong ko sa kanya while stirring the frosting.

"I love eating cake. Kaya mo ba mag bake for me?" pacute nya.

"Nag-bake na ako at frosting tong ginagawa ko. Upo ka nga muna do'n." turo ko sa upuan sa kusina at sumunod naman sya.

"So you know how to bake pala, ako di ako marunong."

"Madali lang naman." sagot ko. "Paki tusok yung cake sa oven to check kung luto na ba." inabot ko sa kanya yung toothpick.

Kinuha nya at parang nagtataka yung itsura nya kung aanhin nya yun.

"Buksan mo yung oven at itusok mo yan sa cake, kung wala ng didikit na basang mixture dyan, it means luto na." pangaral ko sa kanya.

Tumango-tango naman sya, "ohh okay okay." at agad na binuksan yung oven at tinusok yung toothpick sa cake, "nothing." tukoy nya sa toothpick na wala ng dumikit. So luto na.

Pinatay ko na yung oven at hinaon yung cake. Nilagay ko sa malapad na pinggan at saka ko binuhos yung frosting.

"That's amazing ah." manghang sabi ni Simon.

Enchanted To Meet You -  Simon MarcosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon