"Oh so she's Hanan?" tanong ni Ma'am Liza kay Simon at tumango lang ito habang nakangiti, "good to see you here, Hanan." saka sya lumapit sa'kin at bumeso. Ang formal naman. She's so pretty, prim and proper. Nahiya yung buong katawan ko dahil walang-wala ito kumpara sakanya. "Have a seat."
7 pm na at kakarating lang ni ma'am Liza hindi ko alam kung saan pero mukhang pagod sya.
"Thank you po. Ang ganda nyo po, ma'am." pag compliment ko sa kanya saka ako umupo.
"Oh thank you so much. HAHAHA." ang cool nyang mommy. Siguro dito nagmana si Vinny. "You know what iha, my son Simon keep on talking about you these past few days. Tawag ng tawag para lang ikwento ka, so we're all excited to meet you. Tama nga naman ang anak ko, you're really beautiful and nice." pagkwento ni Ma'am Liza at hinampas pa ng mahina ang hita ko.
"Naku, ma'am. Salamat po hehehe hindi naman ako maganda, sakto lang po." ani ko.
"No. You're beautiful. Di pa malabo mga mata ko, iha." sabi nya at nag smile. "You can call me Tita."
"Ay hindi po ma'am. Barista po ako sa coffee shop nyo kung hindi nyo po alam kaya ma'am po talaga tawag ko sa inyo hehe."
"I insist." naks! May pinagmanahan ang Simon. Sinulyapan ko si Simon na nasa tabi ko at nakita kong tumawa sya ng mahina. Tsk!
Ngumiti nalang ako at tumahimik. Nakakahiya naman. Ang bait ng pamilyang 'to sobra. Di ko pa na meet si President Bongbong dahil nasa Manila sya at busy sa tungkulin nya.
"Salamat nga pala sa pag-alaga dyan sa anak ko no'ng nalasing yan, iha. Pinakita nya samin yung CCTV footage kung paano mo sya binihisan, pinunasan ng pawis and all at nagyabang pa yan na may nag-aalaga daw sa kanya na ganyan ka galing." wtf Simon!
"Ay.. hehe." tanging yan lang ang nasagot ko. May CCTV pala sa condo nya? Buti nalang talaga diko sya binihisan ng pantalon. And wait.. Nasapo ko nalang ang mukha ko nang maalala ko yung hinalikan nya ako no'ng nasa sofa kami. Nakunan kaya yun? Nakita kaya nila ma'am Liza? Waaaah!
"Are you okay, iha? Namutla ka." pag-aalala ni Ma'am Liza at hinawakan pa ako sa magkabilang pisngi. Sabay naman sila ni Simon na sumilip sa mukha ko dahil nga naka tungo ako.
"Opo. Okay lang po ako ma'am-- Tita." pag-aassure ko, okay lang naman talaga ako, nahiya lang at kinakabahan HAHAHA. Di ako sanay sa 'tita' di naman kasi bagay tawagin ko syang tita.
"O sya sige. Mag pahinga na kayo. Okay naman yung guest room malinis na yun, dun ka matutulog iha." sabi ni Tita Liza at tinapik pa ang likod ko. Para talaga syang nanay na nag-aalala sa anak nya.
"Ahh.. Mom, tomorrow we will go to Currimao, I just wanna show Hanan how beautiful Ilocos Norte is." pagpapaalam ni Simon sa mommy nya.
"Oh sure, son. Just take care of her." sagot ni Tita Liza at nagsimula ng maglakad.
"How about myself, mom?"
"Oh, you should take care of yourself too, son." tumawa naman kami sa sinabi ni ma'am Liza at umakyat na agad sya ng hagdan pataas.
10 am kami bumyahe from Manila at 5 pm naman nang makarating dito sa Ilocos Norte. Ramdam kong welcome ako sa bahay nila dahil ang init ng pagtanggap nila sa'kin. Tinulungan ko kanina magluto ng ulam ang katulong nila dito sa bahay at masaya kaming nagkwentuhan habang nagluluto. Tapos na kaming kumain at ngayo'y paakyat na kami papuntang guest room.
"So this is your room for 10 nights. Walang multo dyan but if you're afraid, I can sleep beside you naman just tell me." nakangiting sabi ni Simon.
I just rolled my eyes at pumasok na sa loob. "Sige na, goodnight." sabi ko at hawak-hawak ko na ang doorknob para isarado na, hinihintay ko lang na umalis si Simon.
BINABASA MO ANG
Enchanted To Meet You - Simon Marcos
FanficIsn't it enchanting to meet someone you know that can thaw your frozen heart? Simon Marcos Fan Fiction