CHP 3_Her Father

313 16 1
                                    

Zailee's POV

                       "Anong inginingiti-ngiti mo dyan ha? Nakakatuwa bang mapagalitan ng tatlong beses sa isang araw sa luob ba ng dean's office?!"

Sigaw niya sabay balibag ng folder sa mesa.
Patago nalang akong napairap at kunwari'y sumibangot. Sabi niya kasi wag akong ngumiti eh.

"Hindi kana ba talaga nahihiya sa sarili mo? Kahit unti?"
Singhal pa niya.


So obviously, nasa dean's office na naman ako pero hindi na ang poging si Ken Suson ang sumesermon sa akin ngayon kundi isang matanda at matabang babae na halos lamunin na ata ako sa galit.

" Sakit naman sa tenga"
Bulong ko sabay kamot ng batok.


"You're so worst influencer! Yung mga matitinong estudyante, nawawala sa tamang daan dahil sayo! Pati si Ira, she's one of the outstanding student here, but after knowing you, wala na. Tapos na"

Inis pang sabi niya.


Ano ba yan, paulit-ulit nalang ang senesermon nila. Wala bang bago? Para naman maging interesado ako kahit unti. Hays.

"Alam mo kung hindi lang dahil sa ama mo, matagal ka ng kick out dito!"


Doon ako natigilan at halos lahat ng emosyon ko sa mukha ay naglaho. Pati ngiti ko ay unti-unting nawala. Dahan dahan ko siyang nilingon.

      Mukhang nagulat naman siya sa naging ekspresyon ko bigla at napa-ayos ng tayo.



"Bakit? Sinabi ko bang suportahan niya ako sa kagagahan ko at pilit akong panatilihin sa walang kwentang university na toh? Miss, paalala lang, hindi ko siya ama kaya pwede bang wag na wag mo siyang mabanggit-banggit sa harap ko"

Hindi iyon nasa mataas na tono pero puno iyon ng banta. It was full of emphasizes so that she can take note.

Umirap ako at naglakad na paalis kahit na hindi pa tapos ang detention ko.
Napahinto lang ako sa pinto nang makabunggo ko ang pamilyar na katawan ni Paulo.

Lalo akong napairap kasabay ng malakas na pagkulo ng dugo.

Tuloyan na akong umalis doon at dumiretso sa condo ko. Ayoko ng pumasok. Nakakainis!

Sirang sira na araw ko.

"Nakakaputangina,"








———
John Paulo's POV

                          Napakurap kurap ako habang tinitignan ang direksyong nilakaran niya paalis. Pagkatapos doon ay tuloyan na akong pumasok sa office ni Ms. Cruz na siyang pinakamataas sa aming mga deans.

Dahan dahan kong nilapag sa harap niya ang mga dala kong papel. She's currently massaging her temple.

"She.."
Tinuro ko pa ang pinto.
"What happened to her?"
I finally asked.

"Wag mo ng tanungin, Paulo. Lalo lang akong nae-stress."
Wika niya

Umupo ako sa upuang nasa harap ng mesa niya para sana hintayin ang kwento. I think she know something about Zai and why she's behaving like that.

"It's her father's fault.."
She murmured silently.

Napa 'huh?' nalang ako.
Anong kinalaman ng tatay niya?
Last time i check, okay sila.

"Tell me, Dean"
I beg.

Umiling iling siya at pilit na ngumiti sa harap ko.
"It's their business, Paulo. Let's just not meddle there. At.. wag mo masyadong I-involve ang sarili mo kay Hidalgo, she's not a good influencer"
Banta pa niya.

I just bitted my lips before leaving the office.
Napamulsa ako at napabuntong hininga.
Why does everyone always sees her bad? I mean, i think she has something good inside her.


Her smile tells me I'm right.
Maybe she just need some time or someone to lash and liberate that side of hers.

Err, why am i even caring too much for her?

Dumiretso ako sa office ng Syclups at kinuha na ang bag. Kinuha ko na rin ang Ford ko sa parking lot at nag drive papuntang convenience store.

Bumili lang ako saglit ng kape para hindi agad akong antukin mamaya. Napansin ko pa namang medyo late na nag o-online si Zai sa Instagram.


As expected, she didn't recognized me.


"Thank you sir, comeback next time"
Wika ng naka shift na tindera.

Naglakad na ako palabas pero hindi ko sinasadyang mabangga ang isang matandang lalaki. Hindi siya ganun katanda, i think he's on his 40's

"Sorry"
I simply said and bow a little.

Mukhang lasing ito kaya hindi siya nakareact agad. Tumango siya at sinamaan ako ng tingin.

Ganun nalang ang gulat ko nang makilala ko kung sino siya.

"Uncle Alex?"

Siya ang tatay ni Zailee. Bakit siya andito? Kabilang Village pa ang bahay nila.
At mukhang galing siya sa inuman. Amoy na amoy ang matapang na aroma ng alcohol at sigarilyo sa kanya.


Ganito ba siya lagi?
This will affect Zailee. Paano kung magka asthma or magka-lung damage siya?

    

"oh.. Pablo.. Ikaw pala!"
Pagtawa niya at marahas na tinapik tapik anv balikat ko. Itinaas pa niya ang hawak niyang gen at itinagay. Hindi ko iyon napansin kanina.

"Asan po si Zailee?"

Ewan ko pero biglang nagliwanag ang mata niya nang marinig ang pangalan ng anak niya.

"Oh.. Ang babaeng iyon.. Ewan ko nga eh, pwede kapag nakita mo, sabihin mong pinapauwi ko na siya?"
He said and smirk.

Medyo tumaas ang mga balahibo ko doon pero hindi ko nalang pinansin.
Tumango ako at marahan ring tinapik ang likod nila.


"Sige po, uncle. Sasabihin ko"

Pagkatapos nun ay lumagok ulit siya ng alak at ako nama'y umalis na.

Napakunot nalang ako ng noo. I feel something weird. Parang may kakaiba sa behavior niya.
O baka dahil sa matagal tagal na rin simula noong last naming pagkikita kaya naninibago ako?

"It's her father's fault.."

Doon ako napatigil sa paglalakad at lalong napakunot ng noo.
Anong ibig sabihin nun?

Ugh, I'm Overthinking again!

Kinuha ko nalang ang phone ko at inopen ang insta. I took a deep breath before finally sending her a message,


To @eeliaz : eat your dinner, cutie Zai ^^

My Bitch (Syclups #2) Where stories live. Discover now