John Paulo's POV
"Ang boring naman. Gra-graduate na tayo soon, tapos maghahanap na ng sari-sariling trabaho, mag iipon, maghahanap ng asawa, bubuo ng pamilya—"
"Ha ha ha. Dami mong alam, di ka pa nga sinasagot ni Rain eh"
"Aba't! Matapang kana ngayon ha, Jash Kolin Santol?"
Napa iling iling ako. Silang dalawa na naman ang nagbabangayan. Araw araw nalang silang nagsasagotan na parang aso't pusa.
Kunti nalang, bagay na sila.
Kahit pag punta sa canteen, sila pa rin ang naririnig ko.
"Pamilya na agad iniisip niyo, kalma lang uy! Wala pa akong jowa!"
Sabat naman ni Stell.Gumilid ang ibang estudyante nang makita kaming lima na naglalakad kaya mas mabilis kaming nakapasok ng cafeteria.
Dumiretso sila Josh, Ken at Stell sa dati naming table habang kami naman ni Justin ang um-order para saming lima.
"Juskoo! Ang gwagwapo talaga nila!"
"Huhu, gragraduate na sila! Wala na tayong Syclups dito!"
"Pwede pa naman siguro silang maging Syclups pa rin kahit nasa labas ng University, diba?"
"Eh shunga! Kaya nga sila naging Syclups ay dahil sa request ng University. Soon, malaya na sila. Hayyst, ang gwagwapo"
Napa iling iling nalang ako sa mga narinig ko. Ngayon ko nalang ulit napapansin ang paligid, ngayon nalang ulit ako naging aware sa kasikatan ko at ng grupo. Ngayon lang ulit ako naging aware na leader pala ang Syclups, Syclups na naglayag sa unibersidad na ito sa loob ng 4-5 na taon.
Matagal tagal ko rin kasing naramdaman na normal na lalaki lang ako. Na malaya ako sa lahat. Na pwede akong magpahinga mula sa expectations ng iba.
Naramdaman ko ang lahat ng yun habang kasama ko siya.. Si Zailee.
Mariin kong iniling ang ulo ko at dumiretso ng tingin sa counter. Malapit nang matapos ang oras ko bilang estudyante, dapat na akong mag move on.
Maghihiwalay na ang landas namin ng tuloyan, this time, permanent na. Who knows kung hindi na talaga kami pagkro-cross-in ng tadhana?
I need to wake up as soon as possi—
"Ira! Aray! Yang buhok ko ano ba!"
Utomatiko akong napalingon sa entrance ng canteen nang marinig ko ang boses niya. Akala ko nabingi lang ako...pero nagtama ang mga mata namin.
Pabirong nakahawak sa buhok niya si Ira habang tumatawa naman si Vaye sa gilid nila, nakangiti rin si Zai kanina pero nawala rin nung nakita ako.
I was stunned. 1 month and half.. Here i am, seeing her again..
She also has little physically changes. She cutted her hair, dati hanggang waist iyon, ngayon below shoulder na. She also made it colored brown.
She lost a bit weight. Hindi ko masasabing tumangkad siya dahil naka suot ng heels.Halatang pumuti rin ito, naging hobby na din kasi ata niya ang magtago, umiwas sa mundo, kaya ayan. Ang puti.
Gaya ko, nakatitig rin siya sa akin, pinagmamasdan at pinag aaralan ako.
YOU ARE READING
My Bitch (Syclups #2)
ФанфикFANFICTION FOR SB19PABLO "As a decent-innocent gentleman Paulo, do you think you are fit with a girl like Zailee?"