CHP 2_Meet Her

348 18 0
                                    

Zailee's POV

     

                 Pagak akong tumawa sa sinabi niya at marahang nahampas ang braso niya.
Todo ngisi naman siya sa akin at panay pa ang paghaplos ng likod ko.


"Napapansin kong nagiging busy ka ata. Hindi kana pumapasyar sa lugar ko a"
Wika ni Michael.


Umiling lang ako at ngitian siya.
"Pumunta kaya ako kagabi, pero wala ka"


Kasalukuyan kaming nasa nasa field ng University ngayon. Class representative siya ng class namin at obviously, nilalandi niya ako.


Wala naman akong nata-type-an ngayon kaya pinatulan ko nalang kesa wala.

Bigla niya pang hinaplos ang hita ko kaya napasinghap pa ako pero nginitian ko lang siya.



I am Zai Hidalgo, 21 years ago, 2nd year Architecture student. Maganda, at syempre sexy. Hindi ako papayag na hindi mafle-flex ang beauty ko sa kwentong ito. Everyone knows who i am. They call me 'bitch', 'slut', 'flirt' and so on, etc. dahil nga sa dami ng mga lalaking kinakaladkad ko (daw).



Hindi nalang ako nag respond kasi sayang lang yun ng laway at hindi nila deserve na marinig ang maganda kong boses.


At isa pa, totoo naman na madami akong mga kasamang lalaki. They're my buddies (with benefits) Hahah.



Natigil lang kami sa pagbubulongan at paghahagikhikan ni Michael nang biglang may tumayo sa harap namin at tinatakpan ang araw na dumadampi sa mukha ko kanina



Napatango ako ng ulo at nakita ang nagniningning na mukha ng isang lalaki.


Mukha ni John Paulo Nase.


Natigilan ako saglit na dahilan ng maikling titigan ng mga mata namin. Wala akong nasabi kundi napatunganga na naman. Gusto kong ilayo ang paningin ko pero hindi ko magawa.



Masyado siyang sangkot sa masalimuot na sekreto ko para gawin ko siyang kaibigan.


"Tara na"
Pag aaya ko kay Michael at tumayo.


"Zai, pinapatawag ka ng dean"
Biglang sabi niya nang paalis na kami sa field na iyon.



"Magkakilala kayo?"
Tanong agad ni Michael at takang taka.


Bakit naman kasi kung makatawag ng nickname itong lalaking toh, akala mo kung ka-close ko?



"Hindi"
Sagot ko agad.

"Yes"

Sinamaan ko siya ng tingin nang segundahan niya ako nun. Nakipaglaban lang siya ng tingin gamit ang blangko niyang mata.



Hindi ba siya makaramdam na nilalayuan at iniiwasan ko ang presensya niya?!


"Mauna ka muna"
Nakangiting utos ko kay Michael na tumayo naman kahit halata sa mukha niya ang pagtataka.


Nakahinga ako ng malalim nang tuloyan na siyang maka alis at ako naman ang nagbalak na umalis.



Pero agad na hinawakan ni Paulo ang braso ko at hinila nalang bigla paharap.



"Bakit ba lagi mokong iniiwasan, Zai? Last time i check, wala naman akong kasalan sayo.."
He said with his indulging tone.



Umirap lang ako at pilit binawi ang braso pero lalo lang niyang hinigpitan.


My Bitch (Syclups #2) Where stories live. Discover now