CHP 1_Jacket

535 18 0
                                    

Paulo's POV

                       "Angas mo pre, another award na naman"



Nang aasar na hindi niyang sabi.
Ewan ko kung masaya ba siya o nang aasar lang because seriously? This is my 13th times only THIS WEEK to stand in our mighty stage.




Wala na akong pinalampas na oras at hinawakan ang nasa tamang kalakihan lang na trophy at tumuntong sa stage.




Rinig sa apat na sulok ng hall ang hiyawan at sigawan nila sa pangalan ko. Nakita ko rin sila Ken, Josh, Justin (na busy na naman sa kakatext sa jowa niyang si Rain) at Stell na pumapalakpak habang malawak ang ngiti sa akin.



Itinaas ko pa iyon sa direksyon nila na parang nag co-commit ng toast sa kainuman.




Busy ako sa kakatingin sa mga guest na ngayo'y pumapalakpak pa rin nang makita ko ng hindi inaasahan ang isang babae.




Zai..




Utomatiko akong natigilan pero napangiti rin lang sa kinatatayuan ko. Mukhang napadaan lang siya sa hall at walang balak na sulyapan ang stage.


Pero okay na din, atleast nakita ko siya.

But what the hell is that?!





Pagkatapos ng event, bumalik muna ako sa backstage at pinahawak sa staff ang trophy dahil kanina pa ako nakaka-cr.




Tumakbo na ako papunta sa Public rest room ng University at papasok na sana nang may makabunggo akong babae na hanggang dibdib ko lang. Nagmamadali ata.


"Okay, alright. 8pm at Jenzkey right?"


Nakunot ang noo ko nang marinig ang boses nun.



Dire-diretso lang siya sa paglalakad paalis na akala mo'y pader lang ang nabangga niya at hindi nag sorry. May kausap siya sa phone at mukhang nagmamadali.


At tska anong gagawin niya sa bar na iyon sa alas otso ng gabi?



"Hoy bro! Ang tagal mo!"
Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang boses ni Josh at nakita silang lahat na naglalakad palapit sa akin kasama ang dalawang babae sa tropa.




Doon ko lang naalala at naramdaman muli ang dahilan kung bakit nga ba ako nag punta sa restroom na iyon.

Dali dali akong pumasok at iniwan silang nagtataka.






       HABANG TAHIMIK ang lahat sa pagbabasa, hindi ko matigil-tigilan ang paglalaro ko sa hawak kong ballpen gamit ang dalawang daliri habang iniisip kung ano ang ginagawa at pakay niya sa bar na iyon mamayang 8.



I mean, it's already late for her to go out alone. It's not safe. Plus na bar pa ang pupuntahan niya.


"Today is Wednesday, bukas ba ang Jenzkey?"
I asked out of nowhere.




Sabay sabay napatingin ang mga mata nilang anim sa akin at napabitaw sa mga hawak nilang mga libro. Kasalukuyan kasi kami nasa library.



"Wala namang araw na sara yun, unless may complainant"
Sagot naman ni Rose.



Tumango nalang ako pero nakakulubot pa rin ang mga noo. Hindi talaga ako makapag concentrate at kung ano ano nalang ang pumapasok sa utak ko.



"Ay teka! Kelan kapa natutong mag bar, John Paulo Nase?!"


Pag o-overreact naman ni Stell na ikinalingon ng lahat sa library. Itinapon ko sa kanya ang hawak kong ballpen at inirapan.





My Bitch (Syclups #2) Where stories live. Discover now