CHP 32_Lowkey Distance

184 14 2
                                    

Zailee's POV

         "Kelan naman balik mo doon, ijha?"
Tanong ni tita nung makita niya akong umiinom ng tubig sa kusina.

Nilagok ko muna lahat ng nasa bibig ko bago ngumiti at sumagot.


"Baka next week po tita.."
Kaswal na sagot ko.



"Malapit na.. Ingat ka dun ah.."
Sabi niya sabay tapik sa balikat ko.


"Kayo rin po dito"





Tatlong linggo ko na din dito sa probinsya. Oo, tumuloy ako. Ang plano ko naman talaga ay mag stay at tumira nga doon kay Paulo, kaso may nangyaring hindi inaasahan. Biglang lumitaw sa mundo ko yung taong iyon na akala ko hindi ko na makikita kahit kailan.. Biglang lumitaw yung nanay ko after 12 years..




Mas mabuti na sigurong dito muna ako, pag andoon ako ako siguradong hindi niya ako titigilan.



Hindi pa ako handa.. Hindi ko pa siya kayang tanggapin.



Matagal ng wala ang salitang 'mama' at 'papa' sa bokabularyo ko. Pareho nalang silang estranghero para sa akin na siyang bumuo sa akin.




Tapos na ang graduation, nagsisihanapan na ng mga trabaho ang mga kaibigan ko. Dumalaw rin dito kahapon yung dalawa, si Vaye at Ira. May pinakilala na ngang boylet (sa wakas) si Vaye.



Si Paulo, hahahah ang baliw na yun. Ayaw dumalaw dito kasi baka daw kidnapin niya ako pabalik. Kaya ayun, naka depende lang kami sa text text, call call.



Ako? Dito muna ako saglit.. Kailan ko munang e-sink in ang lahat. Pag bumalik ako doon, maraming responsibilidad na ang haharapin ko. Hindi naman sa iniiwasan ko ang mga iyon, hinahanda ko lang ang sarili ko.




I have random responsibility, i have responsibility as a girlfriend, as an individual, as a cousin, as a friend, as a relative.



I will face a new pace of my life right after i go back in manila. Magsisimula ang bagong simula ng buhay. Banibagong yugto ba..




Ngayon, dito muna ako nag sstay sa bahay ng tita ko, bunsong kapatid ni papa, matandang dalaga siya kaya wala siyang ibang kasama dito. Kahit na gusto ko sana siyang sama-samahan, hindi naman pwede. I need to make a living.


Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo muna bago maghanda para matulog.


Strange. Bakit wala pang message o miscall ang lalaking yun? 8:04 pm na.. Dati dati 6 palang may tawag na yun..



Busy kaya? O may family dinner? O tulog na? Grr, inunahan ako?



Hays, bahala na nga. Ngayong gabi lang naman siya hindi nakatawag, I'll spare him tonight. Hindi naman ako ganun ka clingy.


Hinahanap ko na ang komportableng pwesto ko sa kama para matulog nang tumunog ang phone ko.

Kinuha ko naman iyon at tinignan since hindi pa ako inaantok. Once na inantok kasi ako, kahit na ilang tawag pa yan, hindi ko sasagutin. Hahaha.



Si Ken..


Ken 09*********: tawagan mo nga tong si Paulo, hindi namin maawat eh..


Kumunot naman ang noo ko. Maawat saan? Wag mo sabihing nakikipag away toh?

Tatawagan ko palang siya para kamustahin nang makatanggap ako ng video call mula kay Paulo.

My Bitch (Syclups #2) Where stories live. Discover now