CHP 21_First Coax

276 13 0
                                        

Zailee's POV

"Ehem. Ehem. Ehem."
Sunod sunod na pagpaparinig ni Ira.

"Ehem" wika rin si Vaye na inirapan ko lang.

"Ehe-"



"Shuta, may sakit ba kayong dalawa? Panay kayo ehem, ladlarin ko kaya mga lalamunan niyo?"
Banta ko sa kanilang dalawa at tinigilan na ang ginagawa kong plates since distracted na ako.



Napangiwi naman si Ira dahil sa pagiging brutal ko at napahawak naman sa sariling lalamunan si Ve dahil sa banta ko.



Nasa park kami ulit, nakikipag chikahan sa isa't isa kahit na may klase. I mean oo may klase, kaso walang prof kaya parang wala na ring klase.



Bakit? Mapapalabas mo ba itong nerd na si Vaye kung may klase? Hah! Asa..





"Ang brutal mo, so kamusta na nga kayo ng papa Paulo mo ha?"
Ira finally asked. Umirap nalang ako kasi alam ko nang yan ang tatanungin nila sa akin kaya panay ang ehem nilang dalawa.




"Pusta ko nagkakamabutihan na yan. Panay ang tingjn niya sa phone eh"
Pang aasar din ni Vaye.




"Oo nga, tapos wala nang ibang boylet. Nako, delikado kana Hidalgo, mukhang unti unti ka nang nate-tame ni Nase"
Wika pa ni Ira..



I laughed sarcastically and hissed.
"Ako mate-tame?!... Unti.."




Totoo naman eh. Hindi ko na maiintindihan ang sarili ko. Iba iba na ang nararamdaman ko, halo halo lahat. Saya, excitement, inis, at kung ano ano pa na si John Paulo Nase lang ang may dala.





Madami talagang nagbago lalo na nung nalaman niya ang lahat sa akin..or hindi actually lahat pero malaking part sa akin ang alam niya.




"Haha, rupok mo girl!"
Sabi ni Ira sabay hampas sa akin sa braso.




"Sabi niya hindi daw siya papatali pero tignan mo naman ngayon"
Tawa ni Ve.




"Anong tali tali pinagsasasabi niyo? Mga bugok, sobrang advance niyo masyado. Nasa halloween palang ako, kayo nasa valentines na"




Sobrang ang o-oa talaga ng dalawang toh. Bakit ko nga ulit naging kaibigan toh? Grr.




Nagsi-ilingan silang dalawa at nagpaalam na bibili daw ng makakain. Buti naman, tatahimik rin sa wakas.



Akala ko nga tatahimik na.. Kaso may dumating uli.



"Hi!"




Lumingon ako sa likod at nakita ang isang pamilyar na babae. Maganda siya at maputi tapos nakakatulala rin ang ngiti niya.


"You are..?" i ask.




Wow, english. Mukhang e-english-in din naman ako nito e. Mukhang mamahaling babae.. Unlike me.




"Rose, alala moko? Uh, pinsan ni Rain, Rain na asawa-este girlfriend, ay hindi, nililigawan palang pala, ni Justin"
Sabi niya sabay ngiti ng malawak.




Uh, mukhang mali ang hinala ko. Mukhang borlogs din tong isang toh eh. Halata palang sa pakikipagsalamuha e.




"Ah.. Oo, kilala moko?" tanong ko din. Hindi ko din kasi alam kung kilala niya ako o baka nakilala niya ako dahil sa mga kumakalat na issue tungkol sa akin.




My Bitch (Syclups #2) Stories to obsess over. Discover now