John Paulo's POV
"E trap kaya natin si Pau? Alam mo yun, yung ikulong natin siya sa office kasama si ano"
"Oo, tas paglabas niya doon, katapusan mo na rin"
Napaismid ako sa narinig kong usapan ng dalawang si Jah at Josh (na naman) bago tuluyang pumasok ng office.
"Kayo kaya ipakulong ko sa munisipyo?"
Sarkastiko kong tanong at dumiretso sa mesa ko.I was just a bit shocked when memories with her there suddenly flashed to my mind.
Weird. Bakit bigla biglang nangyari yun? G-ganun daw ba kapag sobrang miss mo na talaga yung tao?"Pero Pau, listen ah, gra-graduate na kasi tayo, oo. Tapos kayong dalawa, hindi man lang nag uusap, walang closure or liwanagan. Paano matatahimik ang mga kaluluwa ng future asawa niyong dalawa?"
Pabiro kong ibinato kay Justin ang plastic vase na nasa mesa ko na agad naman niyang nasalo at tumatawa pa.
"Kayong dalawa, bakit ba lovelife ko ang araw araw na topic niyo huh?"
Tinupi ko ang sleeves ng polo ko hanggang siko at sumandal sa mesa habang naka cross arms. Dahil sa naalala ko kanina, ayoko na tuloy umupo sa upuan ko.
"Syempre nuh! Ayoko namang grumaduate nang sawi ang pinuno ko. Masyadong gwapo lahi natin para masayang uy!"
Biro din ni Josh na as if magkamag-anak kami.
I sigh.
Gra-graduate nga ba akong sawi? Gusto ko ring makipag usap kay Zailee, halos araw araw ko ngang pinaghahandaan eh. Kaso alam ko din namang unwilling siyang makipag usap kaya ayoko nalang pilitin.
Si Kobi na kasama niya the other day, nalaman ko ring hindi pala straight. It calms me a bit, pero lumabas din yung katotohanang hindi malabong makalimutan na agad ako ni Zai at maghanap ng bago.
Haist.
"Lagot ka Jah, pinag o-overthink mo si Pau!"
Parang batang sabi ni Josh."Bakit ako? Ikaw nga nagsimula dyan e!"
Napa iling iling nalang ako sa kanilang dalawa. Kailan kaya titino ang dalawang toh? Buti nalang at wala si Ken pati si Stell, hindi sila mahahawaan sa dalawang toh. Busy na silang dalawa sa club na sinasalihan nila.
Medj ayos na rin kami ni Ken. Nakwento niya sa akin yung sinabi niya kay Zai. Hindi ko naman siya masisisi kasi alam kong umalis ng tuloyan si Zai dahil sa mga sinabi ko.
The Syclups were all back together, so is me. Ang pagkakaibahan nga lang, alam kong may mababalikan akong nakaraan kung saan isang beses akong naging malaya.
"Magfocus na kayo—"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko at sabay sabay kaming napalingon sa pintuan nang kumalabog ito. Naroon si Ira, hingal na hingal mula sa pagtakbo. Akala ko ay aawayin niya ako katulad nang ginawa nila dito dati pero hindi, parang takot na takot ang mga mata niya nung tumingin siya sa akin.
"P-paulo"
Paos na sabi nito. Haharang pa sana sila Josh pero pinigilan ko."Alam kong magagalit si Vaye sa gagawin ko pero wala akong choice. We need your help!"
She hissed.Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at nagtaka. Anong ibig niyang sabihin? May nangyari ba?
"Why?"
![](https://img.wattpad.com/cover/295803556-288-k435278.jpg)
YOU ARE READING
My Bitch (Syclups #2)
FanfictionFANFICTION FOR SB19PABLO "As a decent-innocent gentleman Paulo, do you think you are fit with a girl like Zailee?"