CHP 11_ Concern

201 17 0
                                    

Zailee's POV

               "Hoy, ano? Hindi mo talaga papansinin si Paulo? Hala girl, baka maging estatwa yun bigla sa labas ng room natin!"

Biglang singhal sa akin ni Ira sabay yugyog pa sa balikat ko.

Inirapan ko lang ulit siya at hindi pinansin.


Pinagpatuloy ko lang ang pakikiharutan sa lalaking medyo hindi ko kilala kahit alam kong nakikita ako ni Paulo mula sa labas.



Ilang oras na siya dyan. Simula nung natapos ang klase nila. Minsan umaalis siya at nakakahinga naman ako ng maluwag pero babalik din siya agad.



Ni hindi ko nga alam kung bakit niya ginagawa ang bagay na yan eh.
Gusto kong mag tanong pero ayaw ko pa siyang lapitan.


Masyado na siyang nae-envolve sa akin. Hindi na pwede..

Hindi na dapat.


"Zai, kausapin mo na. Just tell him to leave, nakakaawa oh.."
Wika din ni Vaye sa tabi ko.

Tumigil na ako sa pakikipag usap at lumingon saglit sa labas. He is seriously and patiently waiting for me to come out.

I sighed and open my phone.


I send Talino a message, saying another irritating news. Nasasabi ko sa kanya lahat, kahit na Internet friends lang kami. He's so trustworthy tapos nabibigyan niya ako ng matalinong advice.


@eeliaz: hey, busy? :(

Nagreply naman siya agad doon. Mukhang hindi busy ah.

S.jpn_: no, why?


Sinilip ko ulit sa labas si Paulo at nakitang nakatingin rin ito sa akin habang hawak ang phone.



@eeliaz: i encounter a prob..

S.jpn_: yeah? Like what?



Sasabihin ko ba talaga?
O hindi na? Mukha namang wala siyang alam sa mga ganito eh. Tska baka pagtawanan lang ako nito.


Tumingin ako sa White board for atleast 10 seconds before finally deciding to tell him.



@eeliaz: ganito kasi, so i have a guy, i don't know his motive but he's been clinging on me. I mean, he approaches me for no reason. Wala naman akong problema dun, pero kasi ayaw kong magkaproblema siya dahil sa akin. You know me naman, i am a bitch for everyone. Ayokong may masabi sila sa kanya dahil sa pagdikit dikit niya sa akin.



Ang haba ng paliwanag ko.



Napatingin tuloy ako ulit kay Paulo. Nakatingin iyon sa phone niya habang malungkot ang mga mata. I sighed once again.

I was staring at him when my phone suddenly buzzed again. Good thing wala ang proffesor.


S.jpn_: are you avoiding him?

@eeliaz: yes :(((


God, why do i keep on putting those sad faces? I'm not sad though!



S.jpn_: give him a chance to talk to you. Malay mo gusto ka lang din niyang protektahan. Know his shoes first, Pangit


Lalo tuloy akong napanguso sa tawag niya sa akin. Mukhang may point naman, siguro kailangan ko munang alamin ang motive niya bago ako umaksyon.

My Bitch (Syclups #2) Where stories live. Discover now