CHP 31_Mrs. Hidalgo

226 14 0
                                    

John Paulo's POV

                        "Bukas na graduation ceremony natin, excited ka ba?"

marahang tanong ko sa kanya habang pinipisil pisil ang kamay niya.



"Hindi.. I'm a bit.. Sad. Ibig sabihin kasi nun, tapos na college life natin, aalis na tayo sa mga dorm natin, magsisi-alisan na mga classmates natin.. Yung mga memories nating nag aaral at natuto doon, maiiwan lang basta basta.. Haist.."




Napangiti ako sa sinabi niya.  "It's time to  grow up, mahal.."



Kasama ko si Zai ngayon sa bahay ko, nagpapahinga sa sofa, sinamahan niya kasi akong iuwi na yung mga gamit ko doon sa office. Mamaya, siya naman ang sasamahan kong magbabalik ng kanya. Kaso nga lang.. Hindi ko alam kung saan siya uuwi.



"Mahal, nakalimutan kong tanungin, saan ka uuwi?"



Malaking ekis naman kung sa bahay ng tatay niya. Wala din naman ang nanay niya. I never heard something about her relatives except for Zeia.



"Sa probinsya muna ako habang nag a-apply ng trabaho.."

Sagot niya na nakasandal ngayon sa dibdib ko.



"Ahhh? Ang layo naman, paano na kita makikita niyan?"
Medyo disappointed na sabi ko naman.




Totoo naman, paano kung malalayong probinsya pala yung tinutukoy niya? Those ones who takes 12 hours to drive. Hindi naman problema sa akin ang mag drive ng ganun araw araw, pero paano kung may emergency siya? Tapos wala ako, hindi ako makakarating agad.



"Dito ka nalang kaya mag stay.."
I whispered.


"Ano?!"
Napatayo pa siya sa gulat na akala mo'y sinabi kong magpakasal na kami.


"What?" natatawang tanong ko naman.



Pumameywang siya sa harap ko at sinamaan ako ng tingin pero halata namang natatawa siya. Ironic.



"Ikaw ha, John Paulo Nase. Ilang linggo palang simula nung naging tayo, magsasama na agad sa iisang bubong ang iniisip mo?"

She lectured me.




"It's more convenient, mahal!"
Natatawang sabi ko ulit. Yung reaksyon kasi niya eh.. Hahah, halatang may ibang iniisip.




"Look, if you're applying for a job, it's more easier here in manila because architects are in demand. Second, you are still jobless so you don't have money for renting a unit or condo. You must not live in your father's house naman diba, delikado kahit na nasa kulongan na siya.. So you have no choice, mahal.. "

Nakangising paliwanag ko.



"Alam mo, feeling ko matagal mo ng plina-plano toh"
Natatawang sabi niya na ikinahalakhak ko.




"There's nothing to fear, after all. I won't do something inappropriate on you, i promise to heavens"

Sabi ko sabay taas ng tatlong daliri, as if I'm doing some oaths.



"Baka ako nga ang may masamang magawa sayo eh.."

Bulong niya na ikinatawa ko agad.

"I'll allow you naman"

Pinalo-palo niya ako sa braso na ikinatawa ko pa.
"Nakakainis ka!"


Tumayo na din ako dahil mukhang hindi na niya ako titigilan sa kakapalo niya.

My Bitch (Syclups #2) Where stories live. Discover now