John Paulo's POV
"Did you saw Zai around?"
Napalingon sa akin ang apat na taong kasama ko ngayon dahil sa tanong ko.
"Zailee? Hindi ata.."
Sagot ni Rose.Magkakasama kaming lima, i mean not the whole Syclups. It's me, Stell, Rose, Justin and Rain.
Busy sila Ken at Josh sa mga activities nila ngayon dahil papalapit na ang finals.Kahit ako naman busy eh. Pero hindi ko pa rin maiwasang magtaka.. Walang paramdam si Zailee recently.
"Masyado ka lang sigurong praning, Pau. Hindi mo talaga kayang mahiwalay sa kanya ng kahit ilang araw lang?"
Pang aasar ni Justin. Nakangisi din si Stell habang poker faced pa rin si Rain.It's not that simple. Maiintindihan ko kung hindi siya nagpapakita dahil siguro busy siya pero.. Kahit na text wala? O kahit pasabi lang kay Ira o kay Rose na busy siya. Haist.
It started when she talked with Ken.
I'm Overthinking again..
"Tara na nga sa field. Manood nalang tayo ng soccer game"
Pag aaya ni Stell sa amin. Tska ko lang naalala na may game nga pala ngayon. Haist, hindi ko na naman nasamahan ang ibang mga leaders sa pag aasikaso nun.I'm so pre occupied.
Sumunod nalang ako sa kanila, wala naman akong gagawin eh. Ayokong mag mukmok at mag isip lang ng mag isip sa office. Nakaka stress masyado.
Nakarating na kami sa field at puno ng sigawan ang crowd since nagsimula na nga ang laro.
Hindi ko kilala ang mga players pero alam kong malakas ang pwersa ng team namin.Nakatanaw lang kami mula sa malayo dahil mahirap nang lumapit. Baka maulit yung dati eh sa akin eh. Wala din naman kaming masyadong pinapalapit sa field para sa safety ng lahat.
Tutok na tutok ang mga kasama ko sa laro at minsa'y nakikisabay pa sa mga hiyawan habang ako, ito, tulala na naman. Lumilipad ang isip ko sa kung saan saan.
Aaminin kong.. Namimiss ko siya.. Yung boses niya, yung mukha niya. Hay naku, nababaliw na ata ako. Pati sa field eh nakikita ko sa kung saan saan ang mukha niya.
"Yung hinahanap mo oh!"
Sabi bigla ni Stell.
Inginuso niya ang isang direksyon at nanlaki naman ang mata ko dahil hindi pala ako nababaliw, si Zailee nga ang nakita ko kanina. Akala ko namamalikmata lang ako dahil sa dami ng tao.
Kumunot nalang bigla ang noo ko nang makitang may kasama siyang lalaki. Hindi lang isa, kundi tatlo. Mukhang masaya yung pinaguusapan nila kaya tumatawa-tawa siya.
Kumuyom ang palad ko at tumayo paalis. Bumaba ako ng ilang baytang para makalapit sa kanila.
"Nakita kita kagabi sa bar ah!"
Rinig kong sabi nung isang lalaki kay Zailee na tumatawa ngayon.
"Bakit kagabi lang? Eh lagi ako dun a!"
Proud pang sabi ni Zai.Napapikit ako ng mariin, hindi alam kung anong dapat na maramdaman.. Parang.. Parang nadidismaya ako sa mga naririnig ko.
"Zailee"
YOU ARE READING
My Bitch (Syclups #2)
FanficFANFICTION FOR SB19PABLO "As a decent-innocent gentleman Paulo, do you think you are fit with a girl like Zailee?"