Zailee's POV
"Baliw kaba? Kaka-discharge mo lang sa ospital, gagala ka agad?"
Hindi niya ako pinakinggan at lalo lang hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Kumakanta kanta pa at hindi talaga ako pinapansin.
"John Paulo Nase, may naririnig kaba o wala?"
Inis na tanong ko."Meron naman Mrs. Nase" kaswal na sagot niya habang sumisipol sipol pa.
Nawala bigla ang inis sa mukha ko at napalitan iyon ng pamumula. I slightly punch his arms out of shyness.
"Mrs. Nase ka dyan, Kahapon nga lang naging tayo eh"
Kunwari naiinis ako pero ang totoo, kinikilig na ako ng sobra dito.Arghh.
Tumawa lang siya at hinila ako palapit. Tinanggal niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko at inakbayan ako.
"Anong iningingiti-ngiti mo dyan?"
Tanong ko nang mapansin kong hindi na mawala wala yung ngiti niya kanina pa.. Ay hindi, kahapon pa.Masyado ba siyang masaya kasi nakalabas na siya ng ospital? Err.
"i just can't believe na.."
"Na?"
He even chuckled which made me more curious. Namumula pa ang pisngi niya dahil sa kanina pang ngiti niya.
"Na tayo na.."
Lihim lang akong napangiti sa sinabi niya. I'm happy that i can make him so happy like this. A pleasure for a girl like me.
"Kung hindi kayang e-sink in ng utak mo, pwede ko namang bawii—"
"Hindi ah! Nag sink in na! Anong bawiin bawiin ka dyan, hampasin kita ng halik eh"
Napahampas nalang ako sa sariling kong noo habang tumatawa. Tarantang taranta eh, nagbibiro lang naman ako. Hahaha ano ba yan. Ang babaw naman ng kinakikiligan ko.
"Hays, Tara na nga"
Sabi niya sabay hila sa akin doon sa isang streetfood vendor."Bawal sayo ang Street food! Too much heat for your tummy, Paulo"
Panenermon ko sa kanya."Hindi naman ako ang kakain eh. Juice lang ako"
He said then wink. Lumapit siya doon sa cart nung tindero at bumili ng dalawang pineapple juice. Binigay niya sa akin ang isa."I heard from Ira na mahilig ka sa streetfoods, lalo na yung dugo na nabalotan ng harina. Ano na ulit tawag dun?"
"Ewan ko, basta kinakain ko lang"
I shrugged.But I'm really happy because he's adjusting himself in order to catch up with me and my lifestyle. Napangiti tuloy ako.
"Kapag pwede na, titikman ko din yung paborito mong yun..para malaman ko kung mas masarap ba sakin yun o hindi"
He muttered.Napangiti ako ng malawak habang kagat-kagat ang ibabang labi sabay tingin sa ibang direksyon para pigilan ang kilig na nararamdaman ko.
"Kuya, dyan nga po.. Uh, limang stick"
Sabi niya sabay turo doon sa paborito ko.I tilted my head while watching him. He's so handsome while talking, even if it's just a sideview.
Ngayon ko lang din napansing napaka-perpekto pala ng mata at kilay niya. Bagay na bagay sa aura niya, arghh it's so addicting.
YOU ARE READING
My Bitch (Syclups #2)
FanfictionFANFICTION FOR SB19PABLO "As a decent-innocent gentleman Paulo, do you think you are fit with a girl like Zailee?"